Ayon sa aking mga magulang noong ako ay nasa sinapupunan pa lamang ng aking ina ang nais daw
ipangalan sa akin ay Grace ngunit,dahil sa aking ninang na si lotlot ay nabago ang aking pangalan at ito ay
daina.
Nang ako ay ipanganak ako daw ay napaka-balbon na bata at maputi sila ay tuwang-tuwa sakin dahil
ako daw ay napaka-likot kaya marami ang humahawak sakin bilang pangalawa kong magulang.Marami
ang nagbibigay sakin ng mga laruan upang ako ay maging masaya.Noong ako ay may limang taon na
parati akong sumasama sa aking ina kapag ito ay umaalis parati niya akong ibinibili ng mga damit at mga
pang-ipit sa buhokmasaya ako noon.Parati akong inaayusan ng aking ina ngunitang aking nakatatandang
kapatid ay hindi ko manlang namamalayan na ay nagseselos na pala kung kaya't madalas kaming nag-
aaway.Parati akong iyak ng iyak dahil sa parati akong talo sa aming away.Nagagalit ang aking ina dahil sa
nag-aaway kami pero mabilis din kami nag-kakaayos ng aking ate at naglalaro sa tubig ng laba-labahan
hehe...saya namin noon.Ang mga pinakamasayang araw namin magkakapamilya ay ang sabay-sabay
kaming kumain sa aking terrace.Nang mga nakaraang araw nanuod kami ng sine ang saya-saya namin
dahil namasyal din kami kasama ang aking mga kapatid habang nag-lalakad kami ng aking ina sa park
ay bigla akong nadapa ,nasugatan sa tuhod dugong-dugo ito at iyak naman ako ng iyak lumapit ang
kaibigan ng aking ina at sinabing lalagyan daw ang kain sugat ng baga ng sigarilyo talot na takot ako nun
baka kasi masunogang aking balat.Sinabi din naman nito sakin na biro lang yun.Nang ako ay anim na taon
na ako ay mag-aaral na sa kinder tinuturuan ako ng aking ama at ina na magsulat ng aking pangalan at ito
naman ay aking nagawa ng maayos.Unang araw ng aking pagpasok sa iskwelahan hinatid ako ng aking
ina at panandaliang sinamahan sa school wala pa akong kaibigan noon nang sa nkakita ako ng naiyak na
aking kaiskwela at ito ay aking nilapitan para kausapin kung bakit siya naiyak ngunit hindi niya ako
pinansin kaya hinayaan ko nalang siya.Nang tumagal ako sa school nawala ko ang aking bag at ako ay
iyak ng iyak.Ibinili ako ng bag ng aking ina ako ay tuwang-tuwa dahil sa aking bagong bag.Ngunit
napatigil ako sa aking pag-aaral dahil lumipat na kami ng bahay kaya napatigil din ako sa aking pag-aaral
naka-tatlong lipat na kami ng bahay kaya patigil-tigil din kaming magka-kapatid sa pag-aaral.Ang
pinakamsakit pa nito parati na din nag-aaway ang aking mga magulang hanggang sa dumating sa
hiwalayanang hirap ng walang kasamang ina sa bahay parati akongumiiyak sa daddy ko upang balikan na
nya ang aking ina ngunit ayaw na nila.Taong 2000 umuwi kami sa San Isidro kung saan lumaki at kung
nasan ang mga magulang ng aking ama dun kami nanirahan ay nag-aaral ng patuloy-tuloy sa bawat araw
na dumadalaw ang aking ina samin ay napakasaya ko ngunit pinagbabawalan kami makipag kita sa kanya
kaya patago kaming nag-uusap at nagkikita ngunit ng malaman ito ng aking lola at daddy ay napagalitan
kaming magkakapatid iyak ako ng iyak kung bakit nila kami pinagbabawalan lumapit sa aming ina.Araw
-araw kong iniisipang aking ina dahil mahal na mahal ko sya ayaw kung mawala sya sa amin.Ng minsang
tumakas kami ng aking ate papunta sa bahay ng aking ina ay nakahinga kami ng maluwag dahil nakalayo
na kami sa San Isidro.Sabik na sabik kami ng aking ate na makita ang aming ina tuwang tuwa ang aming
mommy ng makita kami ngunit kailangan na naming umuwi dahil nag-aaral pa kami.Nang makauwi kami
samin kami ay napagalitan ng aking ama at lola kaya hindi kami pinalalabas ng bahay iyak kami ng iyak ng
aking ate.Habang lumilipas panahon at taon paunti unti kaming nasasanay na wala ang aming ina ngunit
may araw at gabi kong iniisip ang aking ina hanggang sa napanaginipan ko sya iyak daw ako ng iyak sabi
ng aking daddy kaya isinama nya ko sa aking ina upang hindi na ako umiyak pa.Pinapayagan na kami ng
aking ama pumunta sa aming ina.Nag-aaral ako ng mabuti noong ako ay nasa grade 1 palang naging honor
ako noon ngunit ng naging grade two,three,four,five ako napabayaan ko na ito dahil naging masaya ako
kapag kasama ko ang aking mga kabarkada sila ang nagpasiya sakin ng mga panahong kailangan ko ng
makakasama.Grade five ako ng makilala ko sila masaya kami bawat araw pero ang pinaka bestfriend
kong masasabi ay si paul at ajhoy dahil sa kanila ko nasasabi ang lahat lahat sa aking buhay lagi kaming
magkakasama parati nga kami napunta ng simbahan upang ipagdasal ang mga magulang namin at ang mga
problema namin.Nang kami ay makaabot ng grade six lagi nadin kami nag-gagala lagi nga kaming late sa
klase eh...pare-pareho naman daw kaming napapagalitan kaya ok lang yun naging masaya naman kami sa
bawat araw na magkakasama kami lagi din kami naakyat sa uno ng mangga para kainin,nahulog panga
kami sa kawayang tinutungtungan namin eh tawa lang kami ng tawa napakasaya talaga namin noon kahit
nga nasa loob kami ng classroom namin may ginagawa parin kami na ikasasaya namin gumagawa kami ng
maraming eroplanong papel at inilalagay namin sa isang garapon tapos ibinaon namin sa likod ng school
namin para habang tumatanda kami ay maalala namin ang mga sinulat namin sa papel.
Noong ako ay grade six napaka dami ko parin naranasan tulad ng pag-sagot sa blackboard at
natuktukan ng aking guro ang sakitnoon ha....pero ok lng kasi nakabawi din naman ako nun eh.. pero
nakakahiya parin yun kasi natuktukan ako,pero hindi lang naman ako ang natuktukan pati iba kong
classmate pero ok lang yun kasi natututo naman kami.Lalo na sa science kasi napaka-taray ng guro namin
dunlagi nga nya akong tinitingnan ng masama eh...pakiramdam ko tuloy lahat ng teacher ko galit sakin kasi
parang lagi silang galit sakin pero hindi ko yun ininda kasi masaya naman ako sa mga kaibigan ko lagi
kaming naglalaro noon sa stage ng jackstone at chinese garter at habulan,dayaan panga kami nun palagi
akong taya na ayaw na ako sa laroeh.Pag-oras naman ng klase abutan kami ng sulat para hindi kami
maingay kahit sa sulat tawa kami ng tawa hanggang sa nahuli kami ng aming teacher at napalabas kami.
Malapit na graduation namin noon malungkot kami nun kasi maiiwan namin ang aming paboritong
teacher at adviser na si mam tamayo kaya lagi namin syang pinapasaya.Tuwing uwian na kami ng bahay
kahit sa daan kami ay nagkukulitan hinahatid isa-isa sa kanya-kanyang bahay.Pag-dating ko sa bahay
kakain na ko pagkatapos kumain mag-iimis ng bahay ,magpapahinga para pag-dating ng aking bestfriend
na si jhoy aymaglalaro na kami at maggala na.Picture taking habangnaglalakad hindi nga namin namalayan
na gabi na kami sa galaan eh.. kaya umuwi na kami sa aaming bahay pag-uwi ko nkita ko ang aking daddy
na nag-luluto ng aming hapunan tinanong ako ng aking daddy kung saan ako galing at sinabi ko naman na
kasama ko si jhoy at namasyal lang kami napagalitan ako at nahampas ng sandok iyak nako non pinaligo
na ko ng daddy at kakain na kami.
Araw ng graduation ang naghatid sakin ay ang aking lola kasi wala ang daddy ko matapos ang
seremonya ng graduation namin ay nagpicturetaking kaming lahat nag-iyakan nga kami kasi mamimis namin
ang bawat isa pero masaya ko at excited dahil makakatungtong na ako sa high school.Tapos na ang
graduation pero magkakasama kaming magkakaibigan nag-gala parin kami at pumunta sa bahay ng aming
mga classmate sobrang init nun kaya nagdugo ang aking ilong noon takot na takot nga ako kasi nakakita
ako ng dugo pero pinagtawanan pa ko ng mga kaibigan ko kaya napatawa din ako,pinahiram panga ako
ni jomar ng panyo nya eh..kaya naglalakad na kami papunta sa bahay namin para kumain.Kinabukasan
may regalo sakin ang aking daddy binigyan ako ng cellphone ang saya ko.
Bakasyon na parati kaming may outing ng pamilya ko noong pumunta kami sa beach sobra ang init
kaya ang itim itim ko pero ok lng yon kasi bakasyon naman,nang maglangoy na ako ay nalunod hindi kasi
ako marunong lumangoy tapos tinutulak pa ako ng pinsan ko sa malalim galit na galit ang daddy ko kasi
nga nalunod ako.Kaya dun nalang ako sa mababaw habang naglalaro ako ng buhangin hinagisan ako ni
kim ng jellyfish sobrang kati at hapdi talaga kinuskos ko ng buhangin para matalas.
Buwan ng june pasukan na unang pasok ko ay masaya madami din akong kaibigan na pumasok sa
high school andun din si jhoy at paul ang saya talaga kasi magkakasama ulit kami.Habang tumatagal lagi
akong may nakakaaway kasi napakataray ko kasi ayaw nila pakinggan ang sinasabi ko.Nung naniningil
ako sa pangbayad ng floorwax ayaw magbayad ng isa kong classmate ang dami nya pang sinabi sakin
kaya nagalit ako naipaltok ko sa kanya lahat ng pera hanggang sa nag-away kami humingi sya ng sorry
sakin at humingi din ako kaya naging ayos na kami,Nakita ko si kinsian yung crush ko "Gosh" ang cute
nya talaga at ang galing pa nya kumanta, kaya nung nagka-boot sa iskul namin hinigit ako ng mga member
ng dating boot at nakita ko si kinsian sya pala ang akin ka-date kinantahan nya pa nga ako eh nahihiya
talaga ko noon.
Second year na ko sobra ang tamad ko pumasok noong unang pasukan kasi nabitin ako sa
bakasyon lagi akong may kaaway nung third year, ako kasi pinagtatanggol ko ang aking mga
kaibigan,napakakulit ko daw kasi kaya dami hindi nagugustuhan ang ugali ko lagi din ako nasasampal ng
kuya ko kasi ang gala-gala ko talaga umaalis ako ng walang paalam kahit sa gabi natambay pa ko kasama
mga pinsan ko.
No comments:
Post a Comment