Wednesday, March 23, 2011

Ang Talambuhay ni Maricon M. Daguman

Ako noong 4 months.


 Ako poh si Maricon M Daguman pinanganak po ako  noong august 15 1995. Ang mga magulang ko po ay si Rina Daguman at si Ronald Daguman, lima po kaming makakapatid ang panganay po ay si Maureen Jhoi at ang pangalawa ay si  Rouwen Jhon at ako po ang pangatlo ang sumunod po sakin ay si Raven Carl na ngayun po ay 1st year at ang bunso po ay si Mark Rheyniel na ngayun ay grade 3, nakatira po kami sa
Doñalos St. Bagong Bayan San Pablo City.


   Noong ako po ay baby  pa nakatira kami sa Brgy 2-D PNR Compound. Sabi po sakin ni mama noong ako po ay baby maraming nanghihiram sakin kasi sobrang cute ko daw noon kapag naiisip ko to parang gusto kong bumalik sa  pagkabata para cute parin ako.
At nung nagkinder na ko marami na akong naging kaibigan kahit sa sandaling panahon, pero meron pa rin naman na hanggang ngayon ay kaibigan ko pa rin. Bea ang pangalan nya, lagi kaming magkalaro naaalala ko pa nga kapag niyayaya na sya nung mama nyang umuwe nag aaway sila at nung nag elementary na kme ay hindi na kame masyadong nakakapaglaro kasi magkaibang paaralan ang amin pinasukan nagkaroon kame ng bat ibang barkada pero nananatili pa din ang pagkakaibigan namen.


At nung elementary ako may hindi akong makakalimutan nung grade one ako napagalitan ako ng teacher ko kasi pumasok ako sa bintana ng room namen , yung time na yon iyak ako ng iyak pero hindi lang naman ako madame kame.


At nung grade three ako sobrang gulo namen kasi sobrang bait ng teacher namen. Kapag dumadating lang yung anak ni ma'am saka lang kame natahimik kasi sobrang taray ng anak nya. At nung grade pa rin ako nagkaron naman ako ng crush sa pagkaka alala ko first crush ko yun naalala ko sinulatan ko yun, Kaso nung nalaman nyang crush ko sya iniwasan na nya ako sobrang sad ko nga nun. At nung hindi kame nung mga barkada ko nagpunta kameng jollibee at nung naglaro kame ng naglaro. Pero nug nag ka awy away kame sinumbong nila ako kay mama yan tuloy napalo ako tapus pinapunta ni mama si papa sa school para siguraduhin na kung hindi ako pumasok nung nalaman ngang hindi ako pumasok napalo pa rin ako. At nung grade three pa rin ako lage akong naglilinis ng room namen tapos pag uwian na lage kameng nakikiangkas sa tricycle para hindi na kame mapagod. At nung nagbabakasyon na kame balik na naman sa dati laro lang ako ng laro tapos lagi akong inuutusan na mamilli sa palengke kasi ako lang ang masipag pero syempre may upa yun hahaha...Naalala ko nagpunta kame sa lake ng mga kalaro ko at ako ang pasimuno malakas kasi loob ko pero iyakin naman ako,nung nalaman ng mga nanay nung mga kalaro ko napalo sila syempre pati ako.


At nung magpapasukan na ulit excited ako kasi may bago na naman akong gamit,at syempre makikita ko na naman ang mga kaklase ko. At nung magpapasukan na marami na namang mangyayaring masayang pagkukulitan naalala ko nga nung grade four ako napagalitan ako ng ma'am ko kasi hindi ako nagsusulat syempre tulad ng dati umiyak na naman ako. basta maraming masayang nagyari di ko na nga tanda yung iba.
Nung grade six naman ako may naging kaibigan akong bakla kami ang laging magkasama at lagi kaming naglalaro ng habul habulan naalala ko nadapa ako nun pero hindi na ko umiyak. Tapos naging muse din ako ang saya nga ko kasi it is my first time. At my kaklase akong bumitin sa bintana nung nakita ni ma'am shempre kabado sya pero buti nalang hindi sya nahulog. Hindi lang yan ang mga nangyari marami pa tulad nalang nung nag swiming ang mga kaklase kong lalaki pagpasok nila kinabukasan ay may mga bangas na kasi nabugbog, diba may kasabihan na bawal ang mag auting kapag graduating. At nung malapit na ang graduation shempre masaya kasi makakapag high school na ko, pero nung graduation na  hindi ako umiyak, hindi ko alam kung bakit basta hindi lang lang ako umiyak.

At nung pa enrollan na ng first year magkasa kami ni bea at naging  kaklase ko sya , ang una naming  kaibigan nun  ay si tabigne at si tagulao lagi kaming napuntang lake kasama ng iba kung kaklase, nag  babake kmi. Pero dahil kina tabigne malimit  kaming mag away ni bea kasi lagi akong sinusulsulan na pinagpapalit na ako ni bea kay tagulao pero hindi naman,pero masaya ako kasi naging kaibigan  ko sila.basta marami pang nang yari. At nung second year na ko nagkaron ako ng mga bagong kaibigan si arvin, weiland, miyo, brenda at lady tinatawag naming saizthig ang aming grupo, lagi kaming magkakasama at lagi kming nag cocomputer at naglalaro ng dota, pero yung iba kung kaklase kaibigan ko rin naman, si maureen nga lagi kong sisabunutan kasi ang haba haba ng buhok nya. At nung magbabakasyon na pahirapan ng magpaperma ng clirance shempre ang gugulo namin kaya yon pinahirapan kami, pero hindi naman kmi pnahirapan ng matindi. At nung magbabakasyon na nga  asa bahay lang ako nalilinis, pahiga higa kaya naisip ko kesa ganon ang gawin ko nagtinda nalang ako ng mangga at singkamas para meron naman akong pagkaabalahan.



At nung pasukan na eh di 3rd year na ko may naging bago akong kaklase, at nadagdagan ang mga kaibigan ko tulad nalang ni lei ann lagi kaming nagkukulitan, tapos akala nung iba magkapatid kmi kasi medyo magkahawig kmi. Tapos nagkaroon kmi ng bagong grupo at tinatawag naming girls generation ang kasama naman dito ay sina arvin, weiland, at ako shempre, miyo, nikka, maureen, harlene, renalyn at si kristine ang dami naming ginawang masasaya kaso kapag gagala sila hindi ako nasama kasi tinatamad ako lagi at saka ang hirap maggala ng walang pera.
Ang aking barkada
                                                                
At nitong 3rd year parin ako malimit akong hindi napasok ng hapon at kasama ko ang iba kong kaibigan  si ate abby at si b-ann.  Tapos kapag sabadokasama ko din sila napunya kaming pure gold nakain sa jollibee at naglalaro sa fan house yon lang gawa ko non, ang saya nga eh namimis  ko na tung ginagawa namin kasi ngayun hindi na ko nakakagala kasi bawal na. At nitong ring 3rd year ako nagkaroon ako ng crush si eldren lagi ko tung kinukulit tinatawag ko pa nga tung mahal, kaso ayaw nya skin kaya wala akong magaagwa pero ngayun magkaibigan kami. Kaya nag iba nalang ako ng crush si erwin ang bait pa at hindi nakakalimot mangamusta kahit alam nyang crush ko sya  ni minsan hindi nya ko inwasan kaya kapag nakakasabay ko to o nakikita kinikilig ako masasabi kong iba sya sa lahat.

Ako to ngaung 4th yr.
At nitong fourth year na ko mas lalong marami akong naging bagong kaklase at mas magulo ngaun tapos ang dami pang mayayabang pero masaya silang kasama khit papano.At nung nag field trip kmi ind ko yun makakalimutan kasi first tym ko lang nun sumama, nagka sor eyes pa ako nun kaya hindi ko makakalimutan yung field trip na yun. Kahit lagi kaming napapagalitan kasi ang gugulo namin love parin naman kmi ng mga teacher nmin. Si sir Villianueva ang pinaka gusto kong teacher kasi ang saya nyang magturo at lagi pang nag bibiro pero lagi din kaming pnapagalitan . Shempre ang adviser nmin ang galing din magturo at masaya rin syang kasama, kahit na kung minsan nasama ang loob nya samin  kasi sobrang gulo namin.
Ang mga naggagandahang dilag ng 4-hyper
 At nitong mag sesembreak na syempre masaya kasi walang pasok pero sa dalawang linggo na walang pasok, isang linggo kong hindi nakasama si mama, ate at ang pamangkin ko nagpunta kasi silang tagaytay gawa nung pinsan kong namatay  kaya sa isang linggo yun ako lang ang naglilinis sa bahay. Nung pasko hindi sila umuwi kaya ako mag isa sa bahay, maghapon lang akong natulog kasi wala akong kasama, ung dalawa kung kapatid na lalaki nasa layasan si papa naman may pinuntahan. Umuwi cna mama nung dec.30 para sama sama kaming mag bagong taon.
At nung mag papsukan na shempre tulad parin ng dati  ganon ung ginagawa namin.
                                 
At nung mag fifiesta ng bayan ang saya kasi nakasa ko yong dalawa kong pinsan, ang tagal ko ring hind nakita ung mga pinsan kong un kaya sobrang saya ko nung natulog sila samin. At nung fiesta na nakasama ko naman si bea naggala kmi sa SM sa sidera un ang saya sobra.

At ngaun hindi ko alam  kung anong kalalabasan ng mga ginagawa ko para makagraduate, pero sa tingin ko gragraduate ako kahit anong mangyari
Ang adviser namin


Tuesday, March 8, 2011

Talambuhay ni Daina Cayube

             Ayon sa aking mga magulang noong ako ay nasa sinapupunan pa lamang ng aking ina ang nais daw                            
       ipangalan sa akin ay Grace ngunit,dahil sa aking ninang na si lotlot ay nabago ang aking pangalan at ito ay    
      daina.

      Nang ako ay ipanganak ako daw ay napaka-balbon na bata at maputi sila ay tuwang-tuwa sakin dahil        
      ako daw ay napaka-likot kaya marami ang humahawak sakin bilang pangalawa kong magulang.Marami
      ang nagbibigay sakin ng mga laruan upang ako ay maging masaya.Noong ako ay may limang taon na
      parati akong sumasama sa aking ina kapag ito ay umaalis parati niya akong ibinibili ng mga damit at mga
      pang-ipit sa buhokmasaya ako noon.Parati akong inaayusan ng aking ina ngunitang aking nakatatandang
      kapatid ay hindi ko manlang namamalayan na ay nagseselos na pala kung kaya't madalas kaming nag-
      aaway.Parati akong iyak ng iyak dahil sa parati akong talo sa aming away.Nagagalit ang aking ina dahil sa
      nag-aaway kami pero mabilis din kami nag-kakaayos ng aking ate at naglalaro sa tubig ng laba-labahan
      hehe...saya namin noon.Ang mga pinakamasayang araw namin magkakapamilya ay ang sabay-sabay
      kaming kumain sa aking terrace.Nang mga nakaraang araw nanuod kami ng sine ang saya-saya namin
      dahil namasyal din kami kasama ang aking mga kapatid habang nag-lalakad kami ng aking ina sa park
      ay bigla akong nadapa ,nasugatan sa tuhod dugong-dugo ito at iyak naman ako ng iyak lumapit ang
      kaibigan ng aking ina at sinabing lalagyan daw ang kain sugat ng baga ng sigarilyo talot na takot ako nun
      baka kasi masunogang aking balat.Sinabi din naman nito sakin na biro lang yun.Nang ako ay anim na taon
      na ako ay mag-aaral na sa kinder tinuturuan ako ng aking ama at ina na magsulat ng aking pangalan at ito
      naman ay aking nagawa ng maayos.Unang araw ng aking pagpasok sa iskwelahan hinatid ako ng aking
      ina at panandaliang sinamahan sa school wala pa akong kaibigan noon nang sa nkakita ako ng naiyak na
      aking kaiskwela at ito ay aking nilapitan para kausapin kung bakit siya naiyak ngunit hindi niya ako
      pinansin kaya hinayaan ko nalang siya.Nang tumagal ako sa school nawala ko ang aking bag at ako ay
      iyak ng iyak.Ibinili ako ng bag ng aking ina ako ay tuwang-tuwa dahil sa aking bagong bag.Ngunit
      napatigil ako sa aking pag-aaral dahil lumipat na kami ng bahay kaya napatigil din ako sa aking pag-aaral
      naka-tatlong lipat na kami ng bahay kaya patigil-tigil din kaming magka-kapatid sa pag-aaral.Ang
      pinakamsakit pa nito parati na din nag-aaway ang aking mga magulang hanggang sa dumating sa
      hiwalayanang hirap ng walang kasamang ina sa bahay parati akongumiiyak sa daddy ko upang balikan na
      nya ang aking ina ngunit ayaw na nila.Taong 2000 umuwi kami sa San Isidro kung saan lumaki at kung
      nasan ang mga magulang ng aking ama dun kami nanirahan ay nag-aaral ng patuloy-tuloy sa bawat araw
      na dumadalaw ang aking ina samin ay napakasaya ko ngunit pinagbabawalan kami makipag kita sa kanya
      kaya patago kaming nag-uusap at nagkikita ngunit ng malaman ito ng aking lola at daddy ay napagalitan
      kaming magkakapatid iyak ako ng iyak kung bakit nila kami pinagbabawalan lumapit sa aming ina.Araw
     -araw kong iniisipang aking ina dahil mahal na mahal ko sya ayaw kung mawala sya sa amin.Ng minsang  
     tumakas kami ng aking ate papunta sa bahay ng aking ina ay nakahinga kami ng maluwag dahil nakalayo
     na kami sa San Isidro.Sabik na sabik kami ng aking ate na makita ang aming ina tuwang tuwa ang aming  
     mommy ng makita kami ngunit kailangan na naming umuwi dahil nag-aaral pa kami.Nang makauwi kami
     samin kami ay napagalitan ng aking ama at lola kaya hindi kami pinalalabas ng bahay iyak kami ng iyak ng
     aking ate.Habang lumilipas panahon at taon paunti unti kaming nasasanay na wala ang aming ina ngunit
     may araw at gabi kong iniisip ang aking ina hanggang sa napanaginipan ko sya iyak daw ako ng iyak sabi
     ng aking daddy kaya isinama nya ko sa aking ina upang hindi na ako umiyak pa.Pinapayagan na kami ng
     aking ama pumunta sa aming ina.Nag-aaral ako ng mabuti noong ako ay nasa grade 1 palang naging honor
     ako noon ngunit ng naging grade two,three,four,five ako napabayaan ko na ito dahil naging masaya ako
     kapag kasama ko ang aking mga kabarkada sila ang nagpasiya sakin ng mga panahong kailangan ko ng
     makakasama.Grade five ako ng makilala ko sila masaya kami bawat araw pero ang pinaka bestfriend
     kong masasabi ay si paul at ajhoy dahil sa kanila ko nasasabi ang lahat lahat sa aking buhay lagi kaming
     magkakasama parati nga kami napunta ng simbahan upang ipagdasal ang mga magulang namin at ang mga
     problema namin.Nang kami ay makaabot ng grade six lagi nadin kami nag-gagala lagi nga kaming late sa
     klase eh...pare-pareho naman daw kaming napapagalitan kaya ok lang yun naging masaya naman kami sa
     bawat araw na magkakasama kami lagi din kami naakyat sa uno ng mangga para kainin,nahulog panga
     kami sa kawayang tinutungtungan namin eh tawa lang kami ng tawa napakasaya talaga namin noon kahit
     nga nasa loob kami ng classroom namin may ginagawa parin kami na ikasasaya namin gumagawa kami ng
     maraming eroplanong papel at inilalagay namin sa isang garapon tapos ibinaon namin sa likod ng school
     namin para habang tumatanda kami ay maalala namin ang mga sinulat namin sa papel.


            Noong ako ay grade six napaka dami ko parin naranasan tulad ng pag-sagot sa blackboard at
     natuktukan ng aking guro ang sakitnoon ha....pero ok lng kasi nakabawi din naman ako nun eh.. pero
     nakakahiya parin yun kasi natuktukan ako,pero hindi lang naman ako ang natuktukan pati iba kong
     classmate pero ok lang yun kasi natututo naman kami.Lalo na sa science kasi napaka-taray ng guro namin
     dunlagi nga nya akong tinitingnan ng masama eh...pakiramdam ko tuloy lahat ng teacher ko galit sakin kasi
     parang lagi silang galit sakin pero hindi ko yun ininda kasi masaya naman ako sa mga kaibigan ko lagi
     kaming naglalaro noon sa stage ng jackstone at chinese garter at habulan,dayaan panga kami nun palagi
     akong taya na ayaw na ako sa laroeh.Pag-oras naman ng klase abutan kami ng sulat para hindi kami
     maingay kahit sa sulat tawa kami ng tawa hanggang sa nahuli kami ng aming teacher at napalabas kami.

           Malapit na graduation namin noon malungkot kami nun kasi maiiwan namin ang aming paboritong
     teacher at adviser na si mam tamayo kaya lagi namin syang pinapasaya.Tuwing uwian na kami ng bahay
     kahit sa daan kami ay nagkukulitan hinahatid isa-isa sa kanya-kanyang bahay.Pag-dating ko sa bahay
     kakain na ko pagkatapos kumain mag-iimis ng bahay ,magpapahinga para pag-dating ng aking bestfriend
     na si jhoy aymaglalaro na kami at maggala na.Picture taking habangnaglalakad hindi nga namin namalayan
     na gabi na kami sa galaan eh.. kaya umuwi na kami sa aaming bahay pag-uwi ko nkita ko ang aking daddy
     na nag-luluto ng aming hapunan tinanong ako ng aking daddy kung saan ako galing at sinabi ko naman na
     kasama ko si jhoy at namasyal lang kami napagalitan ako at nahampas ng sandok iyak nako non pinaligo
     na ko ng daddy at kakain na kami.

  
            Araw ng graduation ang naghatid sakin ay ang aking lola kasi wala ang daddy ko matapos ang
     seremonya ng graduation namin ay nagpicturetaking kaming lahat nag-iyakan nga kami kasi mamimis namin
     ang bawat isa pero masaya ko at excited dahil makakatungtong na ako sa high school.Tapos na ang
     graduation pero magkakasama kaming magkakaibigan nag-gala parin kami at pumunta sa bahay ng aming
     mga classmate sobrang init nun kaya nagdugo ang aking ilong noon takot na takot nga ako kasi nakakita
     ako ng dugo pero pinagtawanan pa ko ng mga kaibigan ko kaya napatawa din ako,pinahiram panga ako
     ni jomar ng panyo nya eh..kaya naglalakad na kami papunta sa bahay namin para kumain.Kinabukasan
     may regalo sakin ang aking daddy binigyan ako ng cellphone ang saya ko.


             Bakasyon na parati kaming may outing ng pamilya ko noong pumunta kami sa beach sobra ang init
     kaya ang itim itim ko pero ok lng yon kasi bakasyon naman,nang maglangoy na ako ay nalunod hindi kasi
     ako marunong lumangoy tapos tinutulak pa ako ng pinsan ko sa malalim galit na galit ang daddy ko kasi
     nga nalunod ako.Kaya dun nalang ako sa mababaw habang naglalaro ako ng buhangin hinagisan ako ni
     kim ng jellyfish sobrang kati at hapdi talaga kinuskos ko ng buhangin para matalas.

              Buwan ng june pasukan na unang pasok ko ay masaya madami din akong kaibigan na pumasok sa
     high school andun din si jhoy at paul ang saya talaga kasi magkakasama ulit kami.Habang tumatagal lagi
     akong may nakakaaway kasi napakataray ko kasi ayaw nila pakinggan ang sinasabi ko.Nung naniningil
     ako sa pangbayad ng floorwax ayaw magbayad ng isa kong classmate ang dami nya pang sinabi sakin
     kaya nagalit ako naipaltok ko sa kanya lahat ng pera hanggang sa nag-away kami humingi sya ng sorry
     sakin at humingi din ako kaya naging ayos na kami,Nakita ko si kinsian  yung crush ko "Gosh" ang cute
     nya talaga at ang galing pa nya kumanta, kaya nung nagka-boot sa iskul namin hinigit ako ng mga member
     ng dating boot at nakita ko si kinsian sya pala ang akin ka-date kinantahan nya pa nga ako eh nahihiya
     talaga ko noon.

              Second year na ko sobra ang tamad ko pumasok noong unang pasukan kasi nabitin ako sa
     bakasyon lagi akong may kaaway nung third year, ako kasi pinagtatanggol ko ang aking mga
     kaibigan,napakakulit ko daw kasi kaya dami hindi nagugustuhan ang ugali ko lagi din ako nasasampal ng
     kuya ko kasi ang gala-gala ko talaga umaalis ako ng walang paalam kahit sa gabi natambay pa ko kasama
     mga pinsan ko.

Saturday, February 26, 2011

Ang Aking Talambuhay ni Ma.Rowena G. Hubilla



nakatambay kami sa lake,
 









  Ako po ay si Ma.Rowena G. Hubilla,na nakatira sa Villa Antonio Phase.2,sa Lungsod ng San Pablo City.Ako ay ipinanganak noong ika-24 ng Desembre,sa taong 1994.Ang akin g mag magulang ay sina Marlon Q. Hubilla at ang aking ina ay si  Myrna G. Hubilla.Ako ay may apat pang mga kapatid,ang pangalan  ng panganay kong kapatid at Marlon G. Hubilla,sa edad na 21,siya ay nag-aaral sa LSPU.At ang pangalawa ay nag-asawa na sa edad na 19,ang pangatlo ay tumigil sa pag-aaral sa edad na 18,  ang pang-apat ay ako sa aming magkakapatid sa edad na 16,at ang bunso ay nag-aaral sa edad na 13 at sya ay nag-aaral sa ika-anim na  baitang ng elementarya,sa paaralan  ng Col. Lauro D. Dizon elementary school.       
Ang kaarawan ng aking  papa ay April 18,1966,at  ang aking mama ay Ap ril 13,1966,ang aming panganay    na kapatid ay sa July 15,1989,ang pangalwa ay sa Aug 18,1990,ang pangatlo ay sa v Oct 21,1990,at ako naman ay Dec 24,1994,at ang aming bunso ay sa Aug 31,1997,  
Ang aking kapatid na pangalwa ay p umasok sa simenaryo ngunit hindi nagtagal dahil na mis nya ang kanyang mga anak  at ang kanyang asawa. 
Nung ako ay nasa ika-anim na taong gulang ako ay pinpasok sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Elementary School.At kung saan  ako unang natutong magbasa at magsulat at kung saan din ako nakapagtapos ng elementarya.
 At paguwi ko sa amin ay kami ay nglalaro ng aking kapatid at mga aking kalaro,at pag minsan ako ay natulong sa aking mga magulang sa gawaing bahay.
 At ako ay laging ikinatutuwa ng aking mga guro dahil ako daw ay masipag na mag-aaral.
aking bff.

At sa Col.Lauro D. Dizon Nemorial Natinal Highschool,sa unang antas ng highskul ang aking seksyon ay 1-j ang aking adviser ay si Mam,.Miranda ,siya napaka strik-to sa amin, sya ang titser ami sa TLE.
At nung ako ay nasa ikatlong antas ng highskul eto ang pinaka masaya para sa akin,ang pinaka-iintay n g iba ang pag sapit ng JS PROM at ako ay sumali,ang aming suot nun ay pormal, ang  saya nga,

At ako ay nasa ika-apat na antas ng highskul ang aming adviser ay si Mrs.Jenilee P. Putungan,at ang aking seksyon ay 4-H,doon ko nakilala ang mga  bago kong

kami ng aking adviser.
 kaibigan,at silang lahat ay mababait sa akin,at tunay na kaibigan,hindi ko makakalimutan nung siyam pa kami.At nung nagtagal kami kami ay hindi nagkakaunawaan,at lumala ito gusto ko na magkaaus na kaming lahat,ngunit habang nagtagal ay unti-unti ng nagkakausap nga pero
hindi na tulad ng dati,na masasaya kaming magkakasama.
at doon ko din nabuhos ang lahat ng aking pagiging matiyaga sa pag-aaral,at makilahok sa ibat-ibang activities sa paaralan, at doon ko din nkilala ang mga titser na naging paborito ko dahil sa subrang bait nila sa akin,ang kanilang pangalan ay sina Mrs.Jenilee P. Putungan na titser namin sa math,si Mrs.Marie A. Capina na titser amin sa ap,at si Sir.Marcial Villanueva na titser namin sa Filipino.

At ako ay sumali ng aming fieldtrip sa aming paaralan ang saya saya ko dahil kasama ko ang aking mga paboritong titser.
habang wala pa kaming ginagawa.

 At pagdating ng pasko kami-kami ay sama-sama at ang pinaka masaya ay ung pagsapit ng aking kaarawan ,at bagong taon ay masya kaming nagdidiwang ng bagong taon,.  At ngayon ang tinuturing kong kaibigan neun ay sila Leah,Charissa,Nikka,Maricon,at si Harlene,sila ay mababait sa akin,pag ako ay my problema agad nila ako tinutulungan.
Gusto ko na sanang matapos na ang taon kasi pagod na ako pero wala akong magagawa kundi magsikap pa lalo kasi maraming project at activities nakakapagod talaga.

At ngayon ay nagpra-practice na kami ng aming graduation na gaganapin sa darating april.2,2011.

Hindi pa rin natatapos ang pag-aaway namin at naisip ko kung mahal niya talaga bhest ko papabayaan ko na sila ang masakit lang dun ay mas pinili niya yon kaysa sa matagal na pinagsamahan namin.





kaming siyam na magkakaibigan..

Dito na natatapos ang aking masaya at malungkot at nakakakilig na talambuhay ako po si Rowena G.Hubilla.Mabait mapagmahal na kaibigan at marunong tumanaw ng utang na loob.









Wednesday, February 23, 2011

Ang Talambuhay ni Lelis Elijah






               Ako si Elijah Diana Lelis kasalukuyang naninirahan sa Pablacion del Pilar Alaminos Laguna,ipinanganak noong ika-pito ng agosto taong 1991 araw ng miyerkules sa Barangay Sto.Cristo SPC.ang aking mga magulang ay sina Gng.Josephina Diana Lelis at ginoong Ruben Sarmiento Lelis,nag-aaral sa Col.Lauro D Dizon Memorial National Highschool.nasa section 4H sa ikaapat na antas.katulad ng iba marami rin akong mga hilig o paborito tulad ng prutas at gulay,gusting-gusto ko ang apple at ubas.At sa gulay ay kalabasa,pechay,cartoon character tulad nina Eugene at San gokou,sa kulay naman ay violet,red at skyblue,at mahilig din akong magsagot ng Sudoku sa dyaryo at kahit magbasa ng libro at kasama doon ang pagtetext.
               Ako ay bunso sa walong magkakapatid na sina Ma.gladys,Angelito,Jonalyn,Ruben jr.,marilyn,anjerico,Marjorie at ako,ang aming mga pangalan ay kinuha n gaming mga magulang sa bibliya para daw lagi kaming binabantayan ng diyos,kami ay binuhay ng aming ama sa pamamagitan ng pagmamasahe o pagtetherapy,pagnenegosyo at pagagawa ng bahay at gusali samantalang ang aming ina naman ay nasa bahay lang at siya ang nag-aalaga,gumagabay sa aming paglaki at nagtuturo ng magagandang ugali sa aming magkakapatid at sa kanyang mga apo.
                Ang mga kapatid kong lahat ay may asawa na an gaming panganay ay si ate Gladys,siya ay walo nang anak si angelito ang sumunod sa kanya siya ay may tatlong anak at nagnenegosyo rin tulad n gaming ama,sumunod ay si Jonalyn na di inaasahang pangyayari maaga siyang kinuha ng diyos sa amin,si Marilyn naman ay may limang anak at kasalukuyang nakatira sa barangay San Agustin Alaminos Laguna.ang sunod ay si Anjerico may isang anak tinuruan rin sya ng aming ama sa pag-nenegosyo at pagtetherapy kaya siya ay maayos ang buhay kahit medyo kuripot siya at ang sumunod ay si ate Marjorie may dalawang anak siya ang bunso sa mga babae at siya ang pinaka kasundo ko sa aming magkakapatid.
                Samantalang dahil ako ang bunso ang natitirang wala pang asawa ay ako nalang ang kasama n gaming mga magulang sa bahay,kaya lahat ng gusto ko ay ibinibigay nila sa akin gaya ng pagkaing masasarap,pera at iba pang kailangan ko sa aking pag-aaral kaya kahit marami kaming magkakapatid at syempre marami narin akong pamangkin sila Carla,Jeptie,Jael,Jimuel,Jesrel,Trixie Mae,Jeremie at ang kanilang mga pangalan ay kinuha rin sa bibliya katulad ng sa akin,Masaya naman kami kahit mahirap magkaroon ng sobrang daming pamangkin,ang sakit sa ulo pero ayos lang naman kahit makukulit silang lahat Masaya parin,at kahit minsan ay nagkakaroon kami ng mga problema nalulutas naman naming ito ng maaga at maayos dahil rin sa tulong ng aming mga magulang,kaya nagpapasalamat ako sa aking mga magulang na nagtuturo at gumagabay sa aming mga desisyon at sa susunod pang desisyon na darating sa aming buhay.
               Ngayon labing-siyam at mag-dadalawampung taon na sa ika-pito ng agosto at magtatapos narin sa highschool at syempre may syota ako at iniirog ko siya at mahal nya ako alam ko yun Masaya naman kami,tahimik an gaming relasyon.sa ngayon ay wala naman kaming problema nakilala ko siya sa aming paaralan sa dizonhigh nasa ika-tatlong baiting section D,wala rin kaming problema sa aming mga pamilya tanggap kami,kaya nais kong mag-aral pa sa kolehiyo upang maging isang mechanical engineering dahil bata palang ako ay pangarap ko nang maging engineer para makatulong ako sa aking mga magulang at kapatid,alam ko na sa pagtatapos ko ng highschool ay ito palang ang aking unang hakbang upang maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay.
            Marami rin akong mga nagging kaibigang mababait katulad nalang ng aking isang kaibigan na si Alexander napakabait niya,kailangan ko siya pagka ako ay may problema.sa buhay ko sa highschool ay sobrang saya naman kahit walang pera basta magkakasama kaming magkakaibigan,at tuwing linggo na magkakasama kami sa pagsimba,pangangaral pagsaksi at paglilingkod.at isinasagawa naming ang mga aral at utos ng diyos kayat kami ay matitino kumpara sa ibang mga kalalakihang adik at walang pinag-aralan na walang ginawa kundi ang tumambay at sakit sa ulo ng mga magulang kaya Ayaw naming mapatulad sa mga taong iyon,dahil alam naming hindi maganda ang kanilang ginagawa at hangarin sa buhay dahil alam naming ayaw nilang sundin ang mga aral at turo ng panginoong diyos.
              At sa paaralan naman ay halos maging huwaran kami kahit kami ay hindi masyadong mahusay o matalino basta ang respeto bilang tao ay nasasaloob naming.at ginagawa naming ito ng maayos at bukal sa aming kalooban,katulad na lamang na pag may napulot kaming bagay na hindi sa amin ay agad naming isinasauli sa taong may ari nito.nakasanayan na naming magtulungan sa paggawa ng aming mga proyekto na pinapagawa sa aming paaralan,hindi naming inuubos an gaming mga oras sa mga walang katuturang Gawain at higit sa lahat sumusunod kami sa alituntunin at Gawain.samantalang ang isa sa aking kaibigan na si reymart ay lagi akong tinutulungan sa aking mga asignatura pagka medyo mahirap ito.palagi kaming nasagot sa bawat tanong ng aming guro.at isa ko naming kaibigan na si Alexander ay ipinagmamalaki ko dahil napakabait niya sa akin,siya ang pinakamalapit at pinaka kasundo ko sa aming  limang magkakabarkada.napapasaya nila ako dahil sa kanilang mga biro at kahit minsan ay napipikon ang iba dahil nabibiro niya ito ng hindi tama o maganda sa pandinig pero kahit ganun ay hindi kami nagtatanim ng sama ng loob sa isat-isa.kung kayat sa loob ng isang taong pagkakaibigan naming lima ay nagging matibay ito dahil ang bawat isa sa amin ay may tiwala sa isat-isa.kaya ngayong buwan ng abril na araw ng aming pagtatapos sa highschool ay magkakahiwa-hiwalay kaming lima ang iba ay magtatrabaho upang makapag ipon at magamit ko sa aking pag-aaral sa kolehiyo at alam kong mahirap ang aking tatahakin at mararanasang hirap sa buhay at kahit ganun ay kakayanin ko itong lutasin at lampasang lahat ito,dahil sa kagustuhan kong gumanda at guminhawa ang aking buhay.
               At ang plano ko sa aking buhay ay suklian ang mga hirap,pag-aaruga at pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang,nararapat lamang na bigyan ko ng halaga ang mga nagawa nila sa akin kayat pag ako ay nakatapos sa aking pag-aaral ay tutulungan ko sila at nais ko rin guminhawa ang kanilang buhay kahit sila ay matatanda na at wala nang masyadong kakayahan.



Ito ang aking talambuhay salamat sa pagbabasa!!!!!!!!





Tuesday, February 22, 2011

Talambuhay ni AnnaLeah N. Pastor

nung ako ay 6 months.

 Ako po ay si Anna Leah N. Pastor, Ako po ay
  Ipinanganak noong ika-7 na Setyembre ng 1994,sa A.Bonifacio Diffun Quirino sa probinsya ng Isabela.Na ngayo'y nakatira sa Brgy.Calihan Kingscrow subdv.
aking mahal na ina.
aking mahal na ama

Ang  aking mga 
magulang ay sina Lea N. Pastor at sa Sadiri S. Pastor na nagmamahal  at nag-aaruga sa akin noong at hanggang ngayon at sila rin ang mga taong andyan at handang  sumusuporta sa akin sa anumang akin ginagawa.
aking mga kapatid na pangatlo at  bunso.
aking kapatd na pangalwa.
Ako rin ay may tatlo pang mga kapatid na lagi ,rin sumusuporta sa akin at nagkakatampuhan din minsan pero nagkakabati din agad.
 
Noong ako ay ipinanganak  ay lubos ang kaligayahan  ng aking mga magulang sapagkat ang tingin nila sa akin ay isang napaka gandang regalo na galing sa Diyos na kahit sino'y walang makakapantay.
Noong ako ay apat na buwan pa lamang daw ako daw ay iyakin sapagkat konting galaw lang sa akin ako daw ay umiiyak .Ngunit pagkatunton ko ng ng anim na buwan ay unti-unti na ako natutong gumapang .At pagka dating ko ng siyam na buwan ay unti-unti na tumibay ang aking tuhod at  natutong maglakad. At ang mga nag-aalaga sa akin ay ang aking tiyahin at ang nakakatanda kong pinsan sa akin,sapagkat nasa trabaho ang aking mga magulang.At lahat daw ng nag-aalaga sa akin ay natutuwa sapagkat ako daw ay isang batang malusog.
  Ngunit pagkatunton ko ng anim na taon ay sabik na pumasok sa paaralan sa pagiging Kinder Garten,kung saan una pagkakataon ay nabuksan ang aking isipan at pagkatutong magbasa at magsulat.Kung saan ang tangi kong pangarap ay maging isang matagumpay na mangagamot na nais na makatulong sa ibang may karamdaman at hindi ko makakalimutan ang aming kanta noong magtapos kami ay "WE ARE THE CHILDREN"
Ngunit noong ako ay nasa unang antas ng elementarya ako ay laging inaaway ng aking kaklase,dahil sa pagkainggit,at nung nagpiliaan ng muse at escort ako ang napiling muse sa aming seksyon at ang aking escort ay si Mac.Einon.At ang aking titser ay si Mrs.Cynthia C. Gonzales na ngayon ay ikinasal na.At may mga kaibigan din akong mababait sa akin,isa na ang aking pinsan na si Myca N. Castro.ngunit kami ay nagkasabunutan pero ayos na kmi ngayon . 
Ngunit noong ako ay nasa ikalawang antas ng elementarya ako ay laging pinagkakatiwalaan ng aling titser na kung saan ako ay laging inuutusan magbantay ng kanyang mga paninda,ang kanyang pangalan ay Mrs.Maria Paz Agustin.siya ay napaka bait .
Noong ako ay nasa ikatlong antas ng elementarya ang aking adviser ay si Mrs.Aliazas isa syang napakabait ,ngunit my pagka strict-to pero masaya syang magturo. Nung bakasyon ay lumuwas ng kami upang dalawin ang namatay naming lolo,ang saya nga namin magpipinsan kasi kami ay nag-kabonding na let kami dahil matagal na kaming hindi nagkikita.kamis nga!
At ako ay nasa ika-apat na antas ng elementarya ay kami ay lumipat ng tirahan sa Brgy.Calihan Kingscrow Subdv.na ngayo'y kung saan kami ay nakatira,sayang nga eh. kung kelan madami ng mga blessing ang nadating sa amin saka may nanira,pero ayos na din ung ganito malayo sa mga taong mahilig manira,simula nun lalo tumibay ang aming pagsasama.
Ngunit ako ay nasa ika-limang antas ng elemetarya ay madami na akong kaibigan na mababait sa akin, at isang taon na rin kami sa aming tinitirahan namin ngayon,at ang aming service nun ay ang asawa ng aking titser nung ako ay nasa ikalawang taon,ang kanyang pangalan ay Mrs.Maria Paz Agustin,sya ay matulungin sa ibang tao.


noong ako ay nagtapos ng elementary
Noong ako ay nasa ika-anim na antas ng elementarya heto ang pinaka magandang parte ng elementarya para sa akin ,dahil ang mga aking matalik na kaibigan ay di ko makakalimutan,dahil pag ako ay may problema ay agad nila ako tinutulungan.Nung nagprapratice kami ng Graduation kami-kami ay nagkamis sa isat-isa at nung pagkatapos ay naiyakan kami,ung isa kong tiser ay niyakap ako dahil ako raw ay itak ng iyak,at nung uwian na ay nagkayayaan mamasyal sa lake,ngunit di ako pinayagan baka daw ako a hanapin ni papa.
skul ng dizon high kung san ako unang pumasok ng highskul.
Pagdating ng enrolment sa Dizon Highskul ,napaka haba ng pila,hinapon na nga kami umuwi ee. dahil sa sobrang dami ng nageenrol,
pagdating ng june ay agad kami bumalik upang tingnan kun ano ang aking seksyon , ako ay hinatid ng aking mahal na ina sa aking silid-aralan,at pagkaawas ko ay namili na kami ng aking susuotin ko sa unang araw ko sa highskul.At kinabukasan ako ay  hinatid ulit ng aking mahal na ina sa aking silid-aralan kung saan ako ay nagkaroon ng madaming kaibigan ,mahiyain pa ako nung unang araw na un.Twing tanghalian     kami-kami ay makakasabay kumain, kung saan kami ay masasaya.
Pagdating ko ng ikalawang antas ng highskul, ang aking seksyon ay 2-G,na kung saan ang aking adviser ay si Mrs.Kuan,at kung saan ako ay natutong magcuting klase,simula nun lagi akong napapadamay sa mga masamang gawi ng aking mga kabarkada.Kaya lagi akong napapagalitan ng aking mga magulang dahil sa pagsama ko sa mga taong nakakasira ng aking pag-aaral pero  simula nun pinilit kong magbago sa imahe ko sa aking mga titser. 
Pagdating ko ng ikatlong antas ay heto ang pinaka masayang parte ng highskul life ko,dahil dito kung saan na develop ang akin confidence at kung saan din ako natutong makibagay sa ibang tao,at kung saan ako ay laging napapagalitan ng aking guro sa filipino,dahil sa aking bangs,at pagdating ng Pebrero ay nagkakaroon ng JS Prom,kung saan excited ang iba,dahil ito ang pinaka magandang parte na highskul.

nung pasko saya noh?
  At nung pasko ay kami ay namasyal sa dati naming tinitirahan,sa Brgy.Concepcion San Pablo City.Ang saya nga namin ee.Dahil namis ang isat-isa,kulit nga ni putoyputoy ee.
mga kaklase ko. ngayong 4th year
Ngayon ay nasa ika-apat na antas ng highskul lahat ng parte ng highskul,ako ay niregaluhan ng aking ex ng stufftoys.At ibang nasa ika-apat na taon ay ang pinakakasabik ng iba dahil dito nadadating JS Prom,graduation at kung ano-ano pa,nung nagkaroon ng mini-olympic ay lahat ng nasa ika-apat na antas ay nakikilahok dito.Dito din hinuhubog 
 ang mga kompiyansa,at nung nagtagal ay kami-kaming mag-kakaibigan ay nagkaaway.At kami ay kinausap kami isa-isa ng aming adviser.Mayroong din akong taong Dapat pahalagahan tulad ng mga guro namin 
sa ibat-ibang subject,at ang aming adviser ay si Mrs.Jenilee Putungan na napaka bait sa amin ngunit ang iba naming kaklase ay inaabuso ang kabaitan ng aming adviser.At noong nakilala namin ng best friend ko c khim ay lage kaming nag-aaway ng best frend ko ,friend lang naman kami ni khim,pero nag-kaaus din kami. 
regalo sa akin ng ex ko






ako at ang aking ka.patid.
ako ngayong 4th year

Ian Kaith G. Yakit IV-H


Ang Aking Talambuhay


Noong ako ay bata
              


Noong ako ay binata na
                


Ako si Ian Kaith Gesmundo Yakit panganay sa talong anak nina Nordelin Brion Gesmundo at Ramil Candelaria Yakit. Ipinanganak ako noong Hunyo 21, 1994 sa San Pablo, Laguna. Ang aking mga kapatid ay sina Camille Paula at si Vince Harvey.

Tatlong taong gulang pa lamang ako ng pumsok ako sa Day Care Center sa Carmona, Cavite. Ang aking ina ay nasa ibang bansa na noon upang magtrabaho, kung kaya kaming magkaptid ay nasa aming ama, habang ang aming bunsong kapatid ay naiwan sa Laguna.


Noong naghiwalay ang aking ama’t ina. Nagtungong ibang bansa ang aking ina upang masuportahan ang aming pag-aaral, dahil hindi kami sinusoportahan ng aming ama. Dahil sa hirap ng buhay naiwan kaming magkakapatid aming mga tiya at tiyo. Sa kanila na kami lumaki. Hindi nagtagal ay bumalik kami sa Laguna upang duon na mag- aral, ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral hanggang sa tumungtong ako ng elementarya. San Pablo Central School ang paaralang aking pinasukan noong ako nasa Unang Baitang, hatid sundo ako ng aking Lola. Natapos ko ang Unang Baitang, noong ako ay nasa Ikalawang Baitang ng elementarya sa hindi inaasahang pangyayari ay binawian ng buhay ang aking butihing lola noong Marso 14, 2001, kung kaya ay napilitan kaming lumipat ng paaralan. Napagpasyahan na ako ay papasok ng Ikatlong Baitang sa paaralan kung saan nagtuturo ang aking tita, sa Los Baños, Laguna. Sa aking Ikaapat na Baitang ay ako lumipat sa mas malapit na paaralan sa aming tahanan, sa San Diego Elemntary school, kasama ang aking nakababatang kapatid. Ang aking guro noong ay si Gng. Araceli Montoya, isang napakahusay na guro kung kaya’t marami akong natutunan sa kanya. Nakilala ko din ang isa sa mga matalik kong kaibigan na si Nikko Mair, kaming dalawa ang kadalasang napapagalitan dahil sa kakulitan namin, isang napakasaya at nakakagandang ala-ala. Nang nakatungtong ako sa ikalimang Baitang ng paging elementarya duon naman ako nagsimulang makilahok sa patimpalak sa Badminton Sports. Masasabi kong naging mahusay ako sa pakikipagtungali noon. Ang aking guro naman na si G. Marlon Vista ay nagalak sa mga karangalang aking natamo, isa siya sa mga gurong aking nakalapit, naalala ko nga noon noong isinama niya kaming magkakaklase sa kanilang tahanan, nagalit ang aking mga tiya sa kadahilanang hindi nila alam na ako ay sumama sa Rizal at hindi ako nagpaalam, ngunit naging maayos naman ang lahat. Nalalapit na ako sa aking pagtatapos ng elementarya, ako ay nakatungtong sa Ikaanim na Baitang ng pagiging elementary, kinakabahan ako noong nmga panahong ito, dahil ang aking guro ay isang napakstrikta, ngunit gayon pa man siya ay aking paborito sa aking mga naging guro. Istrikta man siya, ngunit siya ay isang tunay na ina para aming magkakaklase. Marami akong naransan habang tinatahk ko ang daan patungo sa pagiging hayskul, narito ang mga karanasang aking hindi malilimutan. Isang umaga noon, habang kami ay nasa loob ng aming silid aralan, ay narinig namin ang tinig ng aming guro noong kami ay nasa Ikalimang Baitang palamang at ang aming guro sa asignaturang Filipino na si G. Dioso, sila ay nagtatalo sa kadahilanang hindi nmin alam dito tumatak sa isip namin ang katagang “I’m warning you, Eric!! I’m warning you!!” isa lamang ito sa napakadaming panyayari na hindi ko malilimutan. Dumating na ang araw ng patatapos, sobrang init, dahil sa Yakit ang apelyido ko nasa dulo tuloy ako. Isa ako sa “acheiver” sa aming klase. Ako rin ang “Athlete of the Year” at  “Boys Scout of the Year”. Hangganng sa natapos na ang buahy ko sa pagigina elementarya.

Simula naman ng panibagong buhay ko sa pagiging High School. Sabi ng iba sa high school daw nagsisimula ang buhay ng isan tao.Nagbibinata na ako, yun ang sabi ng iba. Noong unang taon ko sa pagiging hayskul ako ay pumasok sa isang pribadong paaralan, Lake City Christian School. Dito nagsimula ang karera ng aking buhay. Unang araw ng pasukan, wala pa akong kakilala, ang lahat ay nagmistulang bago sa aking paningin. Ngunit sa tulong ng aking mga bagong kamag-aaral at mga guro ay unti- unti kong natutunang makihalobilo sa kanila. Habang tumatagal lalong dumadami ang aking mga kaibigan sa aking bagong paaralan. Sabi ng aking ina ay kailangan kong mag-aral upang maging matagumpay sa buhay kung kaya’t minabuti ko ang aking pag-aaral. Nakatungtong ako sa ikalawang taon ng hayskul, lalo pang dumarami ang aking mga kaibigan. Hindi ko naman itinigil ang pagiging mahilig ko sa sports, kaya ipinagpatuloy ko pa rin ito, hindi lamang badminton ang aking sport sumali rin ako sa volleyball at sa basketball. Nakapag-uwi ako ng mga medalya bunga ng aking kakayahan sa sports. Hanggang makatungtong na ako sa ikatlong taon ng hayskul. Sa buhay ng isang mag-aaral hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng konting kalokohan. Dito ko na naranasan ang magliban o “magcutting” sa klase. Napasali din ako sa fraternity, na labis na ikinagalit ng aking mga tiya, dahil napapadalas na din ang pag uwi uwi ko ng gabi. Nagkaroon din ako ng mabababang marka, kung kaya nagkaroon ako ng “back subject”. Sa kabila noon, nakatungtong pa rin ako sa ikaapat na taon ng hayskul, mahirap ang isang $th year high school student, napaka dameng project n dapat tapusin, kaya mas pinili ko na lamang na bumarkada at lumiban sa klase. Labis na nabahala ang aking ina at mga tiya, lalong nawala sa dereksyon ang buhay ko. Mas pinili kong tumigil muna sa pag-aaral, hinayaan ko munang ang aking mga kapatid ang mag-aral. Ang kapatid kong babae ay nasa ikatatlong taon na sa hayskul. Ang bunso naman ay nasa Ikaanim n Baitang ang Elementarya. Habang nasa bahay ako, ay tumutulong ako sa mga gawaing bahay sa aming tahanan. Nagsisibak ako ng kahoy at ngwawalis ng aming bakuran tuwing umaga. Ngunit hindi ko parin maalis sa aking sarili ang bumarkada at lumabas kapag gabi. Nagpupunta ako sa aking mga kaibigan tuwing gabi. Hinahayaan na lamang ako ng aking mga tiya. Lumipas ang panahon ng akoy pa tambay tambay na lamang. Natapos ang pasukan                                                                                                             

Ito na ako ngayon

Bakasyon, kami ng aking mga kabarkada ay bumuo ng isang grupo upang sumali sa “Summer League” ng aming baranggay. Nananalo kami sa bawat laban ng aming team. Hindi nagtagl kami ang hinirang na kampeon sa Midgit division ng aming baranggay. Dahil sa kaligayahan, napagpasyahan naming nagkaroon ng outing. Napakasaya ng mga panahong iyon, masaya ako kapag kasama ko ang aking mga kaibigan. Ang aming team ay tinawag na “Moron”. We are the Moron Family. Isang barkadahang walang iwanan kailanman. Palagi kameng magkakasama, minsan nga mas inuuna ko pa sila kesa sa iba. Sa hirap o sa ginhawa magkakasama pa din kame, daig pa namin ang mag-asawa sa pagsasama.Problema lang minsan nagkakapikunan dahil sa mga asaran, pero nagkakaaus din naman agad. Tawanan, asaran, pikunan, yan ang mga ginagawa namin pag magkakasama kami                                         

Sa sumunod na taon ng paaralan, napagpasyahan namin n pumasok ulit ako, lumipat muli ako ng paaralan sa Dizon Natioanl Highschool. Sa unang arw ng aking pagpasok nkita ko agad ang aking pinsan na si Benok kaya hindi ako masyadong nahirapang mag-adopt sa kanila, naroon din si Norman Mair, isa sa Moron Family, ang ilan sa aking mga pinsan ay duon din pumapasok. Madali kong nakasalamuha ang aking mga kaklase. Patuloy pa rin ang aking pagpasok sa paaralan. Sumasali rin ako sa mga sports sa school. Nagbabasketball din ako, kasama ang mga kabarkada. Madalas, lumalabas ako kasama sila.
Mga tropa koh

Noong nakaraang eleksyon, tumakbo ako bilang Sk kagawad ng aming baranggay. Ipinakgkaloob naman ito ng Diyos sa akin, nanalo ako bilang isa sa mga kagawad. Sama- sama ulit kame ng aking barkada, si Nikko ang tumayong Sk Chairman. 

Mga team koh sa amin
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong nagsusumikap upang makapagtapos sa pag-aaral, upang matulungan ang aking ina. Ako ang panganay kung kaya’t mas pinagsisikapan ko pa lalo, para maging modelo ako sa aking mga kapatid. Pinagpapatuloy ko din ang pagiging aktibo ko sa pagiging Sk Councilor, nakikilahok ako sa mga Medical Missions. Nawa ay maging matagumpay ang karera ko sa buhay at maging makubuluhan ang pamumuhay ko at may marating sa aking buhay.

Monday, February 21, 2011

Talambuhay ni Charissa Tabladillo

nung umabay ako kay ate.
                                       

  Ako si Charissa E Tabladillo.Ipinanganak noong august 23, 1995 sa B rgy.San juan bayan ng San pablo at nasasakupan ng probinsya ng laguna.
      Ang aking mga magulang ay sina  Crispina Emralino isang mamanahi at si Edgardo Tabladillo na dating sundalo na ngayon ay isang driver mayroon akong kapatid na si Edgardo Tabladillo at meron ako kpatid sa ina 2 na si Christine Joy Maghirang at Emerson Niebres .
nung namatay ung pinsan ko.
     Lumaki ako na wala ang aking ama dahil nakulong siya at ang nag-aruga sa amin ay sina mama at si lola sa tulong na aking mag tiya at tiyo maraming salamat sa kanina at kung hindi dahil sa kanila wala kami.
      Noong bata pa ako lagi akong umaabay sa kasal at sumasali sa angel o ave maria o sagala sa aming parokya ni san juan at noong pagkapanganak ako pinabuhos tubig  ako ng aking mga magulang noong aug 29 1995.
        Noong 2 taon ako at 5 buwan umabay ako sa kaibigan ng aking ate at noong may 9 1998 umabay ako sa aking kamag-anakat piling ko model ako haha.
     
        Noong 5 taon ako umabay ako sa pinsan ko na ang kapartner ko doon ay yung cute na pinsan ng pinsan ko sa side ng mama niya crush na crush ko siya cute kasi hindi ko pa ulit siya nkikita sana makita ko ulit siya kasi dalaga at binata na kami malayo kasi siya taga manila siya.
        
      Pumasok ako ng grade 1 doon ako nakakilala ng mga bagong kaibigan at mga bagong guro,Kung saan ako nag-aaral eh doon din pumasok ang aking mga kapatid at nagtapos ng elementarya.
       Doon ako nakaranas na sumali sa mga intrams na bay grade ang mga sasayaw tuwing july nagcecelebrate kami ng nutrisyon month kung saan may mga dala kaming gulay at prutas habang pumaparada.Sumali din ako sa mga activities katulad ng girls scout.
    Dumating sa buhay namin si tatay ay grade 3 na ako at doon ko lang siya nasilayan.masaya ako noon dahil kompleto na kami at magiging masaya na ang pamilya namin. 
       
    Hindi ko makakalimutan ang mga classmate ko at kaibigan noong grade 3 ako at yung guro namin dahil mababait sila at lagi ako nasali ng paralo kaso sungka nga lang haha




kaming magkakabarkada.
                            
      Ang kulit kulit ko psaway mataray  haha joke lang mabait din naman ako kasi laking simbahan ako.
       Noong ako ay isang taon gulang natututo na daw akong gumapang at noong nagdalwang taon ako marunong na daw akong magsalita na pakonti-konti lang at noong 5 taon ako pumasok na ako sa mababaang paaralan ng Brgy.San Juan San Pablo City.Ng Kinder Ang hindi ko makakalimutan dito ay ang paglalaro namin ng bahay-bahayan at msaya ako dahil nagkaroon ako ng sabit.
      Noong 7 taon ako nag-garde 1 ako sa parehas na paaralan at hinda nagtagal tumutong na ako sa ika2 baytang at pakatapos nag 4 na taon ay nasa 6 na baytang na ako at masaya ako dahil close ko lahat ng classmate ko dahil ilan lang kami at pagsapit ng graduation masaya ako na malungkot  dahil magkakahiwalay kaming magkakaibigan at masaya dahil graduate na ako hindi ko makakalimutan ang mga naranasan ko noong elementary.
        
      Hindi ko makakalimutan noong pumunta kaming grade 5 at 6 sa lipa at naligaw kami dahil taga roon tatay ko nagkita kami ng tita ko sa robinson at nagpabili ako ng senelas at binigyan ako ng pera masaya ako dahil makakabili ako ng pasalubong sa kanila.
    
      Tapos pumunta naman kami sa s.m lipa hindi ko makakalimutan noong nawala yung mga pinsan ko at ginabi kami sa kakahanap sa kanila yung pala nasa opisina na sila at ayaw pang paalisin sila.
     
      Noong nasa daan na kami takot na tkot kami dahil my nakita kaming babaeng nakaputi tapos ang dilim na dilim pa tapos ang lamig pa.














                 
  Noong 12 na ko pumasok ako Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School marami akong nakilala at naging kaibigan lahat sila mababait friendly masarap pakisamahan.
          Nagpatuloy ako sa pag-aaral para sa magulang ko kahit mahirap ginawa ko kahit my mga problema pray lang para balang araw masuklian ko ang mga paghihirap sakin ng magulang ko at pagtitiyaga nila para sa amin 
       
    Noong 13 ako naging adviser ko si mam.baylon at napaka bait niya kahit magulo namin ok lang minsan mataray pag hindi na niya kami masaway  lalo na yung mga matatanda na classmate ko.


         Noong 14 ako isinali ako ni ate sa soclea sa simbahan. umaabsent ako para doon masaya ako pero noong nandoon na ako natakot ako hindi na naman maaari nagpatuloy pa rin ako madami akong nakilala at natutunan at nagkaroon ako ng bagong kaibigan at kapatid at magulang lahat sila mabait friendly masaya ako  dahil dito ko nakilala pa ang sarili ko ng tuluyan at hanggang ngayon patuloy pa rin ako.
    
       Hindi ko makakalimutan eh yung tutulog na kami at nagsulatan ang mga lalaki sinabi nila kung sino crush nila haha buti na lang hindi kami nahuli at napagalitan haha.


       Hindi ko makakalimutan ay noong js namin dahil sinayaw ako ng ex. ko haha malungkot din kasi hindi kasali yung best friend kasi ayaw nila.Nakakatuwa kasi nasamin natulog ung friend ko si leah haha hindi ako mkatulog noon kasi naaalala ko mga nangyari noon sa amin masayang masaya talaga ako.


        Noong 15 ako ay sa kasalukuyan ay tinatapos ko na ang 4th year  at kasama ko pa rin ang mga kaibigan ko at my mga nakilala pa ako at nagsusumikap pa rin ako na makatapos ng pag-aaral. Hindi ko makakalimutan ay noong nagjs kami masa ya party party talaga haha kahit nagkakatampuhan kami magkakaibigan.


        Mayroon akong gusto sa graduation na makapag auxie at makapagbakasyon sa taiwan kaso hindi natuloy pero masaya pa rin ako .
        Gusto ko na sanang matapos na ang taon kasi pagod na ako pero wala akong magagawa kundi magsikap pa lalo kasi maraming project at activities nakakapagod talaga.
        Meron pala akong kapatid sa ina lalaki napalayo siya kay mama at 21 taon hindi sila nagkikita at nagkontact sila ngunit hindi sinasabi ni mama amg sabi lang niya sa aking anak anakan niya ito /
.Hindi nagtagal inamin din niya sa amin pero ok lang tinanggap namin siya kahit iba pa tatay niya ang mahalaga kapatid namin siya cllose kami mabait nanman siya sa amin masipag may asawa na sila pero  walang anak dahil naagasan siya.
        Masaya ako ngayon dahil may dumagdag sa pamilya namin at sana magkaanak na sila  para lalo masaya.
        Sa ngayon ay binabalak kong kumuha ng vocational course na electronics dahil pangarap ko makapagtapos na kursong ito  para makatulong at makapagtrabaho sa ibang bansa lalo na sa taiwan para sa aking mahal sa buhay ang aking pamilya .
       Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil binigyan niya ako ng lakas ng loob para magawa ko ang lahat at sa pamilya nagpapasalamat talaga ako mahal na mahal ko sila gagawin ko lahat para sa kanila at sa kinabukasan ko.
          Sana makapagtapos ako ng pag-aaral ko madami akong natutunan at lalo akong napalapit sa kanila at kay god.
          Ang hindi ko makakalimutan ay noong inaway ko yung classmate ko at sinabunutan ko  at noong 4th year nag away kami ng best friend ko dahil sa isang guy na manloloko at nanakit na damdamin 
        Sana makahanap na ako ng lalaki na magmamahal sakin at mamahalin ako ng totoo at sana wag ako kakalimutan ng mga kaibigan ko at mahal sa buhay.
       

      Ngunit may crush ako kaso tibo mabait siya cute friendly kaso hindi niya ako crush kasi ang crush niya ay bhest ko nasaktan ako ng husto parang gusto ko ng mamatay at nag-away kami ng bhest ko kasi alam naman niya na mahal ko iyon lalo pa noon inamin niya na may tingin siya doon.
  
     Hindi ko makakalimutan ay iyong kumuha kami ng test para sa eskolar maghapon kaming nagtiis ng gutom at nakipagsiksikan para lang makakuha ng test gabi na kami nakauwe.




    Hindi pa rin natatapos ang pag-aaway namin at naisip ko kung mahal niya talaga bhest ko papabayaan ko na sila ang masakit lang dun ay mas pinili niya yon kaysa sa matagal na pinagsamahan namin.
   
   Dito na natatapos ang aking masaya at malungkot at nakakakilig na talambuhay ako po si Charissa E Tabladillo.Mabait mapagmahal na kaibigan at marunong tumanaw ng utang na loob.