Tuesday, February 22, 2011

Ian Kaith G. Yakit IV-H


Ang Aking Talambuhay


Noong ako ay bata
              


Noong ako ay binata na
                


Ako si Ian Kaith Gesmundo Yakit panganay sa talong anak nina Nordelin Brion Gesmundo at Ramil Candelaria Yakit. Ipinanganak ako noong Hunyo 21, 1994 sa San Pablo, Laguna. Ang aking mga kapatid ay sina Camille Paula at si Vince Harvey.

Tatlong taong gulang pa lamang ako ng pumsok ako sa Day Care Center sa Carmona, Cavite. Ang aking ina ay nasa ibang bansa na noon upang magtrabaho, kung kaya kaming magkaptid ay nasa aming ama, habang ang aming bunsong kapatid ay naiwan sa Laguna.


Noong naghiwalay ang aking ama’t ina. Nagtungong ibang bansa ang aking ina upang masuportahan ang aming pag-aaral, dahil hindi kami sinusoportahan ng aming ama. Dahil sa hirap ng buhay naiwan kaming magkakapatid aming mga tiya at tiyo. Sa kanila na kami lumaki. Hindi nagtagal ay bumalik kami sa Laguna upang duon na mag- aral, ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral hanggang sa tumungtong ako ng elementarya. San Pablo Central School ang paaralang aking pinasukan noong ako nasa Unang Baitang, hatid sundo ako ng aking Lola. Natapos ko ang Unang Baitang, noong ako ay nasa Ikalawang Baitang ng elementarya sa hindi inaasahang pangyayari ay binawian ng buhay ang aking butihing lola noong Marso 14, 2001, kung kaya ay napilitan kaming lumipat ng paaralan. Napagpasyahan na ako ay papasok ng Ikatlong Baitang sa paaralan kung saan nagtuturo ang aking tita, sa Los Baños, Laguna. Sa aking Ikaapat na Baitang ay ako lumipat sa mas malapit na paaralan sa aming tahanan, sa San Diego Elemntary school, kasama ang aking nakababatang kapatid. Ang aking guro noong ay si Gng. Araceli Montoya, isang napakahusay na guro kung kaya’t marami akong natutunan sa kanya. Nakilala ko din ang isa sa mga matalik kong kaibigan na si Nikko Mair, kaming dalawa ang kadalasang napapagalitan dahil sa kakulitan namin, isang napakasaya at nakakagandang ala-ala. Nang nakatungtong ako sa ikalimang Baitang ng paging elementarya duon naman ako nagsimulang makilahok sa patimpalak sa Badminton Sports. Masasabi kong naging mahusay ako sa pakikipagtungali noon. Ang aking guro naman na si G. Marlon Vista ay nagalak sa mga karangalang aking natamo, isa siya sa mga gurong aking nakalapit, naalala ko nga noon noong isinama niya kaming magkakaklase sa kanilang tahanan, nagalit ang aking mga tiya sa kadahilanang hindi nila alam na ako ay sumama sa Rizal at hindi ako nagpaalam, ngunit naging maayos naman ang lahat. Nalalapit na ako sa aking pagtatapos ng elementarya, ako ay nakatungtong sa Ikaanim na Baitang ng pagiging elementary, kinakabahan ako noong nmga panahong ito, dahil ang aking guro ay isang napakstrikta, ngunit gayon pa man siya ay aking paborito sa aking mga naging guro. Istrikta man siya, ngunit siya ay isang tunay na ina para aming magkakaklase. Marami akong naransan habang tinatahk ko ang daan patungo sa pagiging hayskul, narito ang mga karanasang aking hindi malilimutan. Isang umaga noon, habang kami ay nasa loob ng aming silid aralan, ay narinig namin ang tinig ng aming guro noong kami ay nasa Ikalimang Baitang palamang at ang aming guro sa asignaturang Filipino na si G. Dioso, sila ay nagtatalo sa kadahilanang hindi nmin alam dito tumatak sa isip namin ang katagang “I’m warning you, Eric!! I’m warning you!!” isa lamang ito sa napakadaming panyayari na hindi ko malilimutan. Dumating na ang araw ng patatapos, sobrang init, dahil sa Yakit ang apelyido ko nasa dulo tuloy ako. Isa ako sa “acheiver” sa aming klase. Ako rin ang “Athlete of the Year” at  “Boys Scout of the Year”. Hangganng sa natapos na ang buahy ko sa pagigina elementarya.

Simula naman ng panibagong buhay ko sa pagiging High School. Sabi ng iba sa high school daw nagsisimula ang buhay ng isan tao.Nagbibinata na ako, yun ang sabi ng iba. Noong unang taon ko sa pagiging hayskul ako ay pumasok sa isang pribadong paaralan, Lake City Christian School. Dito nagsimula ang karera ng aking buhay. Unang araw ng pasukan, wala pa akong kakilala, ang lahat ay nagmistulang bago sa aking paningin. Ngunit sa tulong ng aking mga bagong kamag-aaral at mga guro ay unti- unti kong natutunang makihalobilo sa kanila. Habang tumatagal lalong dumadami ang aking mga kaibigan sa aking bagong paaralan. Sabi ng aking ina ay kailangan kong mag-aral upang maging matagumpay sa buhay kung kaya’t minabuti ko ang aking pag-aaral. Nakatungtong ako sa ikalawang taon ng hayskul, lalo pang dumarami ang aking mga kaibigan. Hindi ko naman itinigil ang pagiging mahilig ko sa sports, kaya ipinagpatuloy ko pa rin ito, hindi lamang badminton ang aking sport sumali rin ako sa volleyball at sa basketball. Nakapag-uwi ako ng mga medalya bunga ng aking kakayahan sa sports. Hanggang makatungtong na ako sa ikatlong taon ng hayskul. Sa buhay ng isang mag-aaral hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng konting kalokohan. Dito ko na naranasan ang magliban o “magcutting” sa klase. Napasali din ako sa fraternity, na labis na ikinagalit ng aking mga tiya, dahil napapadalas na din ang pag uwi uwi ko ng gabi. Nagkaroon din ako ng mabababang marka, kung kaya nagkaroon ako ng “back subject”. Sa kabila noon, nakatungtong pa rin ako sa ikaapat na taon ng hayskul, mahirap ang isang $th year high school student, napaka dameng project n dapat tapusin, kaya mas pinili ko na lamang na bumarkada at lumiban sa klase. Labis na nabahala ang aking ina at mga tiya, lalong nawala sa dereksyon ang buhay ko. Mas pinili kong tumigil muna sa pag-aaral, hinayaan ko munang ang aking mga kapatid ang mag-aral. Ang kapatid kong babae ay nasa ikatatlong taon na sa hayskul. Ang bunso naman ay nasa Ikaanim n Baitang ang Elementarya. Habang nasa bahay ako, ay tumutulong ako sa mga gawaing bahay sa aming tahanan. Nagsisibak ako ng kahoy at ngwawalis ng aming bakuran tuwing umaga. Ngunit hindi ko parin maalis sa aking sarili ang bumarkada at lumabas kapag gabi. Nagpupunta ako sa aking mga kaibigan tuwing gabi. Hinahayaan na lamang ako ng aking mga tiya. Lumipas ang panahon ng akoy pa tambay tambay na lamang. Natapos ang pasukan                                                                                                             

Ito na ako ngayon

Bakasyon, kami ng aking mga kabarkada ay bumuo ng isang grupo upang sumali sa “Summer League” ng aming baranggay. Nananalo kami sa bawat laban ng aming team. Hindi nagtagl kami ang hinirang na kampeon sa Midgit division ng aming baranggay. Dahil sa kaligayahan, napagpasyahan naming nagkaroon ng outing. Napakasaya ng mga panahong iyon, masaya ako kapag kasama ko ang aking mga kaibigan. Ang aming team ay tinawag na “Moron”. We are the Moron Family. Isang barkadahang walang iwanan kailanman. Palagi kameng magkakasama, minsan nga mas inuuna ko pa sila kesa sa iba. Sa hirap o sa ginhawa magkakasama pa din kame, daig pa namin ang mag-asawa sa pagsasama.Problema lang minsan nagkakapikunan dahil sa mga asaran, pero nagkakaaus din naman agad. Tawanan, asaran, pikunan, yan ang mga ginagawa namin pag magkakasama kami                                         

Sa sumunod na taon ng paaralan, napagpasyahan namin n pumasok ulit ako, lumipat muli ako ng paaralan sa Dizon Natioanl Highschool. Sa unang arw ng aking pagpasok nkita ko agad ang aking pinsan na si Benok kaya hindi ako masyadong nahirapang mag-adopt sa kanila, naroon din si Norman Mair, isa sa Moron Family, ang ilan sa aking mga pinsan ay duon din pumapasok. Madali kong nakasalamuha ang aking mga kaklase. Patuloy pa rin ang aking pagpasok sa paaralan. Sumasali rin ako sa mga sports sa school. Nagbabasketball din ako, kasama ang mga kabarkada. Madalas, lumalabas ako kasama sila.
Mga tropa koh

Noong nakaraang eleksyon, tumakbo ako bilang Sk kagawad ng aming baranggay. Ipinakgkaloob naman ito ng Diyos sa akin, nanalo ako bilang isa sa mga kagawad. Sama- sama ulit kame ng aking barkada, si Nikko ang tumayong Sk Chairman. 

Mga team koh sa amin
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong nagsusumikap upang makapagtapos sa pag-aaral, upang matulungan ang aking ina. Ako ang panganay kung kaya’t mas pinagsisikapan ko pa lalo, para maging modelo ako sa aking mga kapatid. Pinagpapatuloy ko din ang pagiging aktibo ko sa pagiging Sk Councilor, nakikilahok ako sa mga Medical Missions. Nawa ay maging matagumpay ang karera ko sa buhay at maging makubuluhan ang pamumuhay ko at may marating sa aking buhay.

No comments:

Post a Comment