Wednesday, February 23, 2011

Ang Talambuhay ni Lelis Elijah






               Ako si Elijah Diana Lelis kasalukuyang naninirahan sa Pablacion del Pilar Alaminos Laguna,ipinanganak noong ika-pito ng agosto taong 1991 araw ng miyerkules sa Barangay Sto.Cristo SPC.ang aking mga magulang ay sina Gng.Josephina Diana Lelis at ginoong Ruben Sarmiento Lelis,nag-aaral sa Col.Lauro D Dizon Memorial National Highschool.nasa section 4H sa ikaapat na antas.katulad ng iba marami rin akong mga hilig o paborito tulad ng prutas at gulay,gusting-gusto ko ang apple at ubas.At sa gulay ay kalabasa,pechay,cartoon character tulad nina Eugene at San gokou,sa kulay naman ay violet,red at skyblue,at mahilig din akong magsagot ng Sudoku sa dyaryo at kahit magbasa ng libro at kasama doon ang pagtetext.
               Ako ay bunso sa walong magkakapatid na sina Ma.gladys,Angelito,Jonalyn,Ruben jr.,marilyn,anjerico,Marjorie at ako,ang aming mga pangalan ay kinuha n gaming mga magulang sa bibliya para daw lagi kaming binabantayan ng diyos,kami ay binuhay ng aming ama sa pamamagitan ng pagmamasahe o pagtetherapy,pagnenegosyo at pagagawa ng bahay at gusali samantalang ang aming ina naman ay nasa bahay lang at siya ang nag-aalaga,gumagabay sa aming paglaki at nagtuturo ng magagandang ugali sa aming magkakapatid at sa kanyang mga apo.
                Ang mga kapatid kong lahat ay may asawa na an gaming panganay ay si ate Gladys,siya ay walo nang anak si angelito ang sumunod sa kanya siya ay may tatlong anak at nagnenegosyo rin tulad n gaming ama,sumunod ay si Jonalyn na di inaasahang pangyayari maaga siyang kinuha ng diyos sa amin,si Marilyn naman ay may limang anak at kasalukuyang nakatira sa barangay San Agustin Alaminos Laguna.ang sunod ay si Anjerico may isang anak tinuruan rin sya ng aming ama sa pag-nenegosyo at pagtetherapy kaya siya ay maayos ang buhay kahit medyo kuripot siya at ang sumunod ay si ate Marjorie may dalawang anak siya ang bunso sa mga babae at siya ang pinaka kasundo ko sa aming magkakapatid.
                Samantalang dahil ako ang bunso ang natitirang wala pang asawa ay ako nalang ang kasama n gaming mga magulang sa bahay,kaya lahat ng gusto ko ay ibinibigay nila sa akin gaya ng pagkaing masasarap,pera at iba pang kailangan ko sa aking pag-aaral kaya kahit marami kaming magkakapatid at syempre marami narin akong pamangkin sila Carla,Jeptie,Jael,Jimuel,Jesrel,Trixie Mae,Jeremie at ang kanilang mga pangalan ay kinuha rin sa bibliya katulad ng sa akin,Masaya naman kami kahit mahirap magkaroon ng sobrang daming pamangkin,ang sakit sa ulo pero ayos lang naman kahit makukulit silang lahat Masaya parin,at kahit minsan ay nagkakaroon kami ng mga problema nalulutas naman naming ito ng maaga at maayos dahil rin sa tulong ng aming mga magulang,kaya nagpapasalamat ako sa aking mga magulang na nagtuturo at gumagabay sa aming mga desisyon at sa susunod pang desisyon na darating sa aming buhay.
               Ngayon labing-siyam at mag-dadalawampung taon na sa ika-pito ng agosto at magtatapos narin sa highschool at syempre may syota ako at iniirog ko siya at mahal nya ako alam ko yun Masaya naman kami,tahimik an gaming relasyon.sa ngayon ay wala naman kaming problema nakilala ko siya sa aming paaralan sa dizonhigh nasa ika-tatlong baiting section D,wala rin kaming problema sa aming mga pamilya tanggap kami,kaya nais kong mag-aral pa sa kolehiyo upang maging isang mechanical engineering dahil bata palang ako ay pangarap ko nang maging engineer para makatulong ako sa aking mga magulang at kapatid,alam ko na sa pagtatapos ko ng highschool ay ito palang ang aking unang hakbang upang maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay.
            Marami rin akong mga nagging kaibigang mababait katulad nalang ng aking isang kaibigan na si Alexander napakabait niya,kailangan ko siya pagka ako ay may problema.sa buhay ko sa highschool ay sobrang saya naman kahit walang pera basta magkakasama kaming magkakaibigan,at tuwing linggo na magkakasama kami sa pagsimba,pangangaral pagsaksi at paglilingkod.at isinasagawa naming ang mga aral at utos ng diyos kayat kami ay matitino kumpara sa ibang mga kalalakihang adik at walang pinag-aralan na walang ginawa kundi ang tumambay at sakit sa ulo ng mga magulang kaya Ayaw naming mapatulad sa mga taong iyon,dahil alam naming hindi maganda ang kanilang ginagawa at hangarin sa buhay dahil alam naming ayaw nilang sundin ang mga aral at turo ng panginoong diyos.
              At sa paaralan naman ay halos maging huwaran kami kahit kami ay hindi masyadong mahusay o matalino basta ang respeto bilang tao ay nasasaloob naming.at ginagawa naming ito ng maayos at bukal sa aming kalooban,katulad na lamang na pag may napulot kaming bagay na hindi sa amin ay agad naming isinasauli sa taong may ari nito.nakasanayan na naming magtulungan sa paggawa ng aming mga proyekto na pinapagawa sa aming paaralan,hindi naming inuubos an gaming mga oras sa mga walang katuturang Gawain at higit sa lahat sumusunod kami sa alituntunin at Gawain.samantalang ang isa sa aking kaibigan na si reymart ay lagi akong tinutulungan sa aking mga asignatura pagka medyo mahirap ito.palagi kaming nasagot sa bawat tanong ng aming guro.at isa ko naming kaibigan na si Alexander ay ipinagmamalaki ko dahil napakabait niya sa akin,siya ang pinakamalapit at pinaka kasundo ko sa aming  limang magkakabarkada.napapasaya nila ako dahil sa kanilang mga biro at kahit minsan ay napipikon ang iba dahil nabibiro niya ito ng hindi tama o maganda sa pandinig pero kahit ganun ay hindi kami nagtatanim ng sama ng loob sa isat-isa.kung kayat sa loob ng isang taong pagkakaibigan naming lima ay nagging matibay ito dahil ang bawat isa sa amin ay may tiwala sa isat-isa.kaya ngayong buwan ng abril na araw ng aming pagtatapos sa highschool ay magkakahiwa-hiwalay kaming lima ang iba ay magtatrabaho upang makapag ipon at magamit ko sa aking pag-aaral sa kolehiyo at alam kong mahirap ang aking tatahakin at mararanasang hirap sa buhay at kahit ganun ay kakayanin ko itong lutasin at lampasang lahat ito,dahil sa kagustuhan kong gumanda at guminhawa ang aking buhay.
               At ang plano ko sa aking buhay ay suklian ang mga hirap,pag-aaruga at pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang,nararapat lamang na bigyan ko ng halaga ang mga nagawa nila sa akin kayat pag ako ay nakatapos sa aking pag-aaral ay tutulungan ko sila at nais ko rin guminhawa ang kanilang buhay kahit sila ay matatanda na at wala nang masyadong kakayahan.



Ito ang aking talambuhay salamat sa pagbabasa!!!!!!!!





No comments:

Post a Comment