Saturday, February 26, 2011

Ang Aking Talambuhay ni Ma.Rowena G. Hubilla



nakatambay kami sa lake,
 









  Ako po ay si Ma.Rowena G. Hubilla,na nakatira sa Villa Antonio Phase.2,sa Lungsod ng San Pablo City.Ako ay ipinanganak noong ika-24 ng Desembre,sa taong 1994.Ang akin g mag magulang ay sina Marlon Q. Hubilla at ang aking ina ay si  Myrna G. Hubilla.Ako ay may apat pang mga kapatid,ang pangalan  ng panganay kong kapatid at Marlon G. Hubilla,sa edad na 21,siya ay nag-aaral sa LSPU.At ang pangalawa ay nag-asawa na sa edad na 19,ang pangatlo ay tumigil sa pag-aaral sa edad na 18,  ang pang-apat ay ako sa aming magkakapatid sa edad na 16,at ang bunso ay nag-aaral sa edad na 13 at sya ay nag-aaral sa ika-anim na  baitang ng elementarya,sa paaralan  ng Col. Lauro D. Dizon elementary school.       
Ang kaarawan ng aking  papa ay April 18,1966,at  ang aking mama ay Ap ril 13,1966,ang aming panganay    na kapatid ay sa July 15,1989,ang pangalwa ay sa Aug 18,1990,ang pangatlo ay sa v Oct 21,1990,at ako naman ay Dec 24,1994,at ang aming bunso ay sa Aug 31,1997,  
Ang aking kapatid na pangalwa ay p umasok sa simenaryo ngunit hindi nagtagal dahil na mis nya ang kanyang mga anak  at ang kanyang asawa. 
Nung ako ay nasa ika-anim na taong gulang ako ay pinpasok sa paaralang Col. Lauro D. Dizon Elementary School.At kung saan  ako unang natutong magbasa at magsulat at kung saan din ako nakapagtapos ng elementarya.
 At paguwi ko sa amin ay kami ay nglalaro ng aking kapatid at mga aking kalaro,at pag minsan ako ay natulong sa aking mga magulang sa gawaing bahay.
 At ako ay laging ikinatutuwa ng aking mga guro dahil ako daw ay masipag na mag-aaral.
aking bff.

At sa Col.Lauro D. Dizon Nemorial Natinal Highschool,sa unang antas ng highskul ang aking seksyon ay 1-j ang aking adviser ay si Mam,.Miranda ,siya napaka strik-to sa amin, sya ang titser ami sa TLE.
At nung ako ay nasa ikatlong antas ng highskul eto ang pinaka masaya para sa akin,ang pinaka-iintay n g iba ang pag sapit ng JS PROM at ako ay sumali,ang aming suot nun ay pormal, ang  saya nga,

At ako ay nasa ika-apat na antas ng highskul ang aming adviser ay si Mrs.Jenilee P. Putungan,at ang aking seksyon ay 4-H,doon ko nakilala ang mga  bago kong

kami ng aking adviser.
 kaibigan,at silang lahat ay mababait sa akin,at tunay na kaibigan,hindi ko makakalimutan nung siyam pa kami.At nung nagtagal kami kami ay hindi nagkakaunawaan,at lumala ito gusto ko na magkaaus na kaming lahat,ngunit habang nagtagal ay unti-unti ng nagkakausap nga pero
hindi na tulad ng dati,na masasaya kaming magkakasama.
at doon ko din nabuhos ang lahat ng aking pagiging matiyaga sa pag-aaral,at makilahok sa ibat-ibang activities sa paaralan, at doon ko din nkilala ang mga titser na naging paborito ko dahil sa subrang bait nila sa akin,ang kanilang pangalan ay sina Mrs.Jenilee P. Putungan na titser namin sa math,si Mrs.Marie A. Capina na titser amin sa ap,at si Sir.Marcial Villanueva na titser namin sa Filipino.

At ako ay sumali ng aming fieldtrip sa aming paaralan ang saya saya ko dahil kasama ko ang aking mga paboritong titser.
habang wala pa kaming ginagawa.

 At pagdating ng pasko kami-kami ay sama-sama at ang pinaka masaya ay ung pagsapit ng aking kaarawan ,at bagong taon ay masya kaming nagdidiwang ng bagong taon,.  At ngayon ang tinuturing kong kaibigan neun ay sila Leah,Charissa,Nikka,Maricon,at si Harlene,sila ay mababait sa akin,pag ako ay my problema agad nila ako tinutulungan.
Gusto ko na sanang matapos na ang taon kasi pagod na ako pero wala akong magagawa kundi magsikap pa lalo kasi maraming project at activities nakakapagod talaga.

At ngayon ay nagpra-practice na kami ng aming graduation na gaganapin sa darating april.2,2011.

Hindi pa rin natatapos ang pag-aaway namin at naisip ko kung mahal niya talaga bhest ko papabayaan ko na sila ang masakit lang dun ay mas pinili niya yon kaysa sa matagal na pinagsamahan namin.





kaming siyam na magkakaibigan..

Dito na natatapos ang aking masaya at malungkot at nakakakilig na talambuhay ako po si Rowena G.Hubilla.Mabait mapagmahal na kaibigan at marunong tumanaw ng utang na loob.









Wednesday, February 23, 2011

Ang Talambuhay ni Lelis Elijah






               Ako si Elijah Diana Lelis kasalukuyang naninirahan sa Pablacion del Pilar Alaminos Laguna,ipinanganak noong ika-pito ng agosto taong 1991 araw ng miyerkules sa Barangay Sto.Cristo SPC.ang aking mga magulang ay sina Gng.Josephina Diana Lelis at ginoong Ruben Sarmiento Lelis,nag-aaral sa Col.Lauro D Dizon Memorial National Highschool.nasa section 4H sa ikaapat na antas.katulad ng iba marami rin akong mga hilig o paborito tulad ng prutas at gulay,gusting-gusto ko ang apple at ubas.At sa gulay ay kalabasa,pechay,cartoon character tulad nina Eugene at San gokou,sa kulay naman ay violet,red at skyblue,at mahilig din akong magsagot ng Sudoku sa dyaryo at kahit magbasa ng libro at kasama doon ang pagtetext.
               Ako ay bunso sa walong magkakapatid na sina Ma.gladys,Angelito,Jonalyn,Ruben jr.,marilyn,anjerico,Marjorie at ako,ang aming mga pangalan ay kinuha n gaming mga magulang sa bibliya para daw lagi kaming binabantayan ng diyos,kami ay binuhay ng aming ama sa pamamagitan ng pagmamasahe o pagtetherapy,pagnenegosyo at pagagawa ng bahay at gusali samantalang ang aming ina naman ay nasa bahay lang at siya ang nag-aalaga,gumagabay sa aming paglaki at nagtuturo ng magagandang ugali sa aming magkakapatid at sa kanyang mga apo.
                Ang mga kapatid kong lahat ay may asawa na an gaming panganay ay si ate Gladys,siya ay walo nang anak si angelito ang sumunod sa kanya siya ay may tatlong anak at nagnenegosyo rin tulad n gaming ama,sumunod ay si Jonalyn na di inaasahang pangyayari maaga siyang kinuha ng diyos sa amin,si Marilyn naman ay may limang anak at kasalukuyang nakatira sa barangay San Agustin Alaminos Laguna.ang sunod ay si Anjerico may isang anak tinuruan rin sya ng aming ama sa pag-nenegosyo at pagtetherapy kaya siya ay maayos ang buhay kahit medyo kuripot siya at ang sumunod ay si ate Marjorie may dalawang anak siya ang bunso sa mga babae at siya ang pinaka kasundo ko sa aming magkakapatid.
                Samantalang dahil ako ang bunso ang natitirang wala pang asawa ay ako nalang ang kasama n gaming mga magulang sa bahay,kaya lahat ng gusto ko ay ibinibigay nila sa akin gaya ng pagkaing masasarap,pera at iba pang kailangan ko sa aking pag-aaral kaya kahit marami kaming magkakapatid at syempre marami narin akong pamangkin sila Carla,Jeptie,Jael,Jimuel,Jesrel,Trixie Mae,Jeremie at ang kanilang mga pangalan ay kinuha rin sa bibliya katulad ng sa akin,Masaya naman kami kahit mahirap magkaroon ng sobrang daming pamangkin,ang sakit sa ulo pero ayos lang naman kahit makukulit silang lahat Masaya parin,at kahit minsan ay nagkakaroon kami ng mga problema nalulutas naman naming ito ng maaga at maayos dahil rin sa tulong ng aming mga magulang,kaya nagpapasalamat ako sa aking mga magulang na nagtuturo at gumagabay sa aming mga desisyon at sa susunod pang desisyon na darating sa aming buhay.
               Ngayon labing-siyam at mag-dadalawampung taon na sa ika-pito ng agosto at magtatapos narin sa highschool at syempre may syota ako at iniirog ko siya at mahal nya ako alam ko yun Masaya naman kami,tahimik an gaming relasyon.sa ngayon ay wala naman kaming problema nakilala ko siya sa aming paaralan sa dizonhigh nasa ika-tatlong baiting section D,wala rin kaming problema sa aming mga pamilya tanggap kami,kaya nais kong mag-aral pa sa kolehiyo upang maging isang mechanical engineering dahil bata palang ako ay pangarap ko nang maging engineer para makatulong ako sa aking mga magulang at kapatid,alam ko na sa pagtatapos ko ng highschool ay ito palang ang aking unang hakbang upang maabot ko ang aking mga pangarap sa buhay.
            Marami rin akong mga nagging kaibigang mababait katulad nalang ng aking isang kaibigan na si Alexander napakabait niya,kailangan ko siya pagka ako ay may problema.sa buhay ko sa highschool ay sobrang saya naman kahit walang pera basta magkakasama kaming magkakaibigan,at tuwing linggo na magkakasama kami sa pagsimba,pangangaral pagsaksi at paglilingkod.at isinasagawa naming ang mga aral at utos ng diyos kayat kami ay matitino kumpara sa ibang mga kalalakihang adik at walang pinag-aralan na walang ginawa kundi ang tumambay at sakit sa ulo ng mga magulang kaya Ayaw naming mapatulad sa mga taong iyon,dahil alam naming hindi maganda ang kanilang ginagawa at hangarin sa buhay dahil alam naming ayaw nilang sundin ang mga aral at turo ng panginoong diyos.
              At sa paaralan naman ay halos maging huwaran kami kahit kami ay hindi masyadong mahusay o matalino basta ang respeto bilang tao ay nasasaloob naming.at ginagawa naming ito ng maayos at bukal sa aming kalooban,katulad na lamang na pag may napulot kaming bagay na hindi sa amin ay agad naming isinasauli sa taong may ari nito.nakasanayan na naming magtulungan sa paggawa ng aming mga proyekto na pinapagawa sa aming paaralan,hindi naming inuubos an gaming mga oras sa mga walang katuturang Gawain at higit sa lahat sumusunod kami sa alituntunin at Gawain.samantalang ang isa sa aking kaibigan na si reymart ay lagi akong tinutulungan sa aking mga asignatura pagka medyo mahirap ito.palagi kaming nasagot sa bawat tanong ng aming guro.at isa ko naming kaibigan na si Alexander ay ipinagmamalaki ko dahil napakabait niya sa akin,siya ang pinakamalapit at pinaka kasundo ko sa aming  limang magkakabarkada.napapasaya nila ako dahil sa kanilang mga biro at kahit minsan ay napipikon ang iba dahil nabibiro niya ito ng hindi tama o maganda sa pandinig pero kahit ganun ay hindi kami nagtatanim ng sama ng loob sa isat-isa.kung kayat sa loob ng isang taong pagkakaibigan naming lima ay nagging matibay ito dahil ang bawat isa sa amin ay may tiwala sa isat-isa.kaya ngayong buwan ng abril na araw ng aming pagtatapos sa highschool ay magkakahiwa-hiwalay kaming lima ang iba ay magtatrabaho upang makapag ipon at magamit ko sa aking pag-aaral sa kolehiyo at alam kong mahirap ang aking tatahakin at mararanasang hirap sa buhay at kahit ganun ay kakayanin ko itong lutasin at lampasang lahat ito,dahil sa kagustuhan kong gumanda at guminhawa ang aking buhay.
               At ang plano ko sa aking buhay ay suklian ang mga hirap,pag-aaruga at pagpapalaki sa akin ng aking mga magulang,nararapat lamang na bigyan ko ng halaga ang mga nagawa nila sa akin kayat pag ako ay nakatapos sa aking pag-aaral ay tutulungan ko sila at nais ko rin guminhawa ang kanilang buhay kahit sila ay matatanda na at wala nang masyadong kakayahan.



Ito ang aking talambuhay salamat sa pagbabasa!!!!!!!!





Tuesday, February 22, 2011

Talambuhay ni AnnaLeah N. Pastor

nung ako ay 6 months.

 Ako po ay si Anna Leah N. Pastor, Ako po ay
  Ipinanganak noong ika-7 na Setyembre ng 1994,sa A.Bonifacio Diffun Quirino sa probinsya ng Isabela.Na ngayo'y nakatira sa Brgy.Calihan Kingscrow subdv.
aking mahal na ina.
aking mahal na ama

Ang  aking mga 
magulang ay sina Lea N. Pastor at sa Sadiri S. Pastor na nagmamahal  at nag-aaruga sa akin noong at hanggang ngayon at sila rin ang mga taong andyan at handang  sumusuporta sa akin sa anumang akin ginagawa.
aking mga kapatid na pangatlo at  bunso.
aking kapatd na pangalwa.
Ako rin ay may tatlo pang mga kapatid na lagi ,rin sumusuporta sa akin at nagkakatampuhan din minsan pero nagkakabati din agad.
 
Noong ako ay ipinanganak  ay lubos ang kaligayahan  ng aking mga magulang sapagkat ang tingin nila sa akin ay isang napaka gandang regalo na galing sa Diyos na kahit sino'y walang makakapantay.
Noong ako ay apat na buwan pa lamang daw ako daw ay iyakin sapagkat konting galaw lang sa akin ako daw ay umiiyak .Ngunit pagkatunton ko ng ng anim na buwan ay unti-unti na ako natutong gumapang .At pagka dating ko ng siyam na buwan ay unti-unti na tumibay ang aking tuhod at  natutong maglakad. At ang mga nag-aalaga sa akin ay ang aking tiyahin at ang nakakatanda kong pinsan sa akin,sapagkat nasa trabaho ang aking mga magulang.At lahat daw ng nag-aalaga sa akin ay natutuwa sapagkat ako daw ay isang batang malusog.
  Ngunit pagkatunton ko ng anim na taon ay sabik na pumasok sa paaralan sa pagiging Kinder Garten,kung saan una pagkakataon ay nabuksan ang aking isipan at pagkatutong magbasa at magsulat.Kung saan ang tangi kong pangarap ay maging isang matagumpay na mangagamot na nais na makatulong sa ibang may karamdaman at hindi ko makakalimutan ang aming kanta noong magtapos kami ay "WE ARE THE CHILDREN"
Ngunit noong ako ay nasa unang antas ng elementarya ako ay laging inaaway ng aking kaklase,dahil sa pagkainggit,at nung nagpiliaan ng muse at escort ako ang napiling muse sa aming seksyon at ang aking escort ay si Mac.Einon.At ang aking titser ay si Mrs.Cynthia C. Gonzales na ngayon ay ikinasal na.At may mga kaibigan din akong mababait sa akin,isa na ang aking pinsan na si Myca N. Castro.ngunit kami ay nagkasabunutan pero ayos na kmi ngayon . 
Ngunit noong ako ay nasa ikalawang antas ng elementarya ako ay laging pinagkakatiwalaan ng aling titser na kung saan ako ay laging inuutusan magbantay ng kanyang mga paninda,ang kanyang pangalan ay Mrs.Maria Paz Agustin.siya ay napaka bait .
Noong ako ay nasa ikatlong antas ng elementarya ang aking adviser ay si Mrs.Aliazas isa syang napakabait ,ngunit my pagka strict-to pero masaya syang magturo. Nung bakasyon ay lumuwas ng kami upang dalawin ang namatay naming lolo,ang saya nga namin magpipinsan kasi kami ay nag-kabonding na let kami dahil matagal na kaming hindi nagkikita.kamis nga!
At ako ay nasa ika-apat na antas ng elementarya ay kami ay lumipat ng tirahan sa Brgy.Calihan Kingscrow Subdv.na ngayo'y kung saan kami ay nakatira,sayang nga eh. kung kelan madami ng mga blessing ang nadating sa amin saka may nanira,pero ayos na din ung ganito malayo sa mga taong mahilig manira,simula nun lalo tumibay ang aming pagsasama.
Ngunit ako ay nasa ika-limang antas ng elemetarya ay madami na akong kaibigan na mababait sa akin, at isang taon na rin kami sa aming tinitirahan namin ngayon,at ang aming service nun ay ang asawa ng aking titser nung ako ay nasa ikalawang taon,ang kanyang pangalan ay Mrs.Maria Paz Agustin,sya ay matulungin sa ibang tao.


noong ako ay nagtapos ng elementary
Noong ako ay nasa ika-anim na antas ng elementarya heto ang pinaka magandang parte ng elementarya para sa akin ,dahil ang mga aking matalik na kaibigan ay di ko makakalimutan,dahil pag ako ay may problema ay agad nila ako tinutulungan.Nung nagprapratice kami ng Graduation kami-kami ay nagkamis sa isat-isa at nung pagkatapos ay naiyakan kami,ung isa kong tiser ay niyakap ako dahil ako raw ay itak ng iyak,at nung uwian na ay nagkayayaan mamasyal sa lake,ngunit di ako pinayagan baka daw ako a hanapin ni papa.
skul ng dizon high kung san ako unang pumasok ng highskul.
Pagdating ng enrolment sa Dizon Highskul ,napaka haba ng pila,hinapon na nga kami umuwi ee. dahil sa sobrang dami ng nageenrol,
pagdating ng june ay agad kami bumalik upang tingnan kun ano ang aking seksyon , ako ay hinatid ng aking mahal na ina sa aking silid-aralan,at pagkaawas ko ay namili na kami ng aking susuotin ko sa unang araw ko sa highskul.At kinabukasan ako ay  hinatid ulit ng aking mahal na ina sa aking silid-aralan kung saan ako ay nagkaroon ng madaming kaibigan ,mahiyain pa ako nung unang araw na un.Twing tanghalian     kami-kami ay makakasabay kumain, kung saan kami ay masasaya.
Pagdating ko ng ikalawang antas ng highskul, ang aking seksyon ay 2-G,na kung saan ang aking adviser ay si Mrs.Kuan,at kung saan ako ay natutong magcuting klase,simula nun lagi akong napapadamay sa mga masamang gawi ng aking mga kabarkada.Kaya lagi akong napapagalitan ng aking mga magulang dahil sa pagsama ko sa mga taong nakakasira ng aking pag-aaral pero  simula nun pinilit kong magbago sa imahe ko sa aking mga titser. 
Pagdating ko ng ikatlong antas ay heto ang pinaka masayang parte ng highskul life ko,dahil dito kung saan na develop ang akin confidence at kung saan din ako natutong makibagay sa ibang tao,at kung saan ako ay laging napapagalitan ng aking guro sa filipino,dahil sa aking bangs,at pagdating ng Pebrero ay nagkakaroon ng JS Prom,kung saan excited ang iba,dahil ito ang pinaka magandang parte na highskul.

nung pasko saya noh?
  At nung pasko ay kami ay namasyal sa dati naming tinitirahan,sa Brgy.Concepcion San Pablo City.Ang saya nga namin ee.Dahil namis ang isat-isa,kulit nga ni putoyputoy ee.
mga kaklase ko. ngayong 4th year
Ngayon ay nasa ika-apat na antas ng highskul lahat ng parte ng highskul,ako ay niregaluhan ng aking ex ng stufftoys.At ibang nasa ika-apat na taon ay ang pinakakasabik ng iba dahil dito nadadating JS Prom,graduation at kung ano-ano pa,nung nagkaroon ng mini-olympic ay lahat ng nasa ika-apat na antas ay nakikilahok dito.Dito din hinuhubog 
 ang mga kompiyansa,at nung nagtagal ay kami-kaming mag-kakaibigan ay nagkaaway.At kami ay kinausap kami isa-isa ng aming adviser.Mayroong din akong taong Dapat pahalagahan tulad ng mga guro namin 
sa ibat-ibang subject,at ang aming adviser ay si Mrs.Jenilee Putungan na napaka bait sa amin ngunit ang iba naming kaklase ay inaabuso ang kabaitan ng aming adviser.At noong nakilala namin ng best friend ko c khim ay lage kaming nag-aaway ng best frend ko ,friend lang naman kami ni khim,pero nag-kaaus din kami. 
regalo sa akin ng ex ko






ako at ang aking ka.patid.
ako ngayong 4th year

Ian Kaith G. Yakit IV-H


Ang Aking Talambuhay


Noong ako ay bata
              


Noong ako ay binata na
                


Ako si Ian Kaith Gesmundo Yakit panganay sa talong anak nina Nordelin Brion Gesmundo at Ramil Candelaria Yakit. Ipinanganak ako noong Hunyo 21, 1994 sa San Pablo, Laguna. Ang aking mga kapatid ay sina Camille Paula at si Vince Harvey.

Tatlong taong gulang pa lamang ako ng pumsok ako sa Day Care Center sa Carmona, Cavite. Ang aking ina ay nasa ibang bansa na noon upang magtrabaho, kung kaya kaming magkaptid ay nasa aming ama, habang ang aming bunsong kapatid ay naiwan sa Laguna.


Noong naghiwalay ang aking ama’t ina. Nagtungong ibang bansa ang aking ina upang masuportahan ang aming pag-aaral, dahil hindi kami sinusoportahan ng aming ama. Dahil sa hirap ng buhay naiwan kaming magkakapatid aming mga tiya at tiyo. Sa kanila na kami lumaki. Hindi nagtagal ay bumalik kami sa Laguna upang duon na mag- aral, ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral hanggang sa tumungtong ako ng elementarya. San Pablo Central School ang paaralang aking pinasukan noong ako nasa Unang Baitang, hatid sundo ako ng aking Lola. Natapos ko ang Unang Baitang, noong ako ay nasa Ikalawang Baitang ng elementarya sa hindi inaasahang pangyayari ay binawian ng buhay ang aking butihing lola noong Marso 14, 2001, kung kaya ay napilitan kaming lumipat ng paaralan. Napagpasyahan na ako ay papasok ng Ikatlong Baitang sa paaralan kung saan nagtuturo ang aking tita, sa Los Baños, Laguna. Sa aking Ikaapat na Baitang ay ako lumipat sa mas malapit na paaralan sa aming tahanan, sa San Diego Elemntary school, kasama ang aking nakababatang kapatid. Ang aking guro noong ay si Gng. Araceli Montoya, isang napakahusay na guro kung kaya’t marami akong natutunan sa kanya. Nakilala ko din ang isa sa mga matalik kong kaibigan na si Nikko Mair, kaming dalawa ang kadalasang napapagalitan dahil sa kakulitan namin, isang napakasaya at nakakagandang ala-ala. Nang nakatungtong ako sa ikalimang Baitang ng paging elementarya duon naman ako nagsimulang makilahok sa patimpalak sa Badminton Sports. Masasabi kong naging mahusay ako sa pakikipagtungali noon. Ang aking guro naman na si G. Marlon Vista ay nagalak sa mga karangalang aking natamo, isa siya sa mga gurong aking nakalapit, naalala ko nga noon noong isinama niya kaming magkakaklase sa kanilang tahanan, nagalit ang aking mga tiya sa kadahilanang hindi nila alam na ako ay sumama sa Rizal at hindi ako nagpaalam, ngunit naging maayos naman ang lahat. Nalalapit na ako sa aking pagtatapos ng elementarya, ako ay nakatungtong sa Ikaanim na Baitang ng pagiging elementary, kinakabahan ako noong nmga panahong ito, dahil ang aking guro ay isang napakstrikta, ngunit gayon pa man siya ay aking paborito sa aking mga naging guro. Istrikta man siya, ngunit siya ay isang tunay na ina para aming magkakaklase. Marami akong naransan habang tinatahk ko ang daan patungo sa pagiging hayskul, narito ang mga karanasang aking hindi malilimutan. Isang umaga noon, habang kami ay nasa loob ng aming silid aralan, ay narinig namin ang tinig ng aming guro noong kami ay nasa Ikalimang Baitang palamang at ang aming guro sa asignaturang Filipino na si G. Dioso, sila ay nagtatalo sa kadahilanang hindi nmin alam dito tumatak sa isip namin ang katagang “I’m warning you, Eric!! I’m warning you!!” isa lamang ito sa napakadaming panyayari na hindi ko malilimutan. Dumating na ang araw ng patatapos, sobrang init, dahil sa Yakit ang apelyido ko nasa dulo tuloy ako. Isa ako sa “acheiver” sa aming klase. Ako rin ang “Athlete of the Year” at  “Boys Scout of the Year”. Hangganng sa natapos na ang buahy ko sa pagigina elementarya.

Simula naman ng panibagong buhay ko sa pagiging High School. Sabi ng iba sa high school daw nagsisimula ang buhay ng isan tao.Nagbibinata na ako, yun ang sabi ng iba. Noong unang taon ko sa pagiging hayskul ako ay pumasok sa isang pribadong paaralan, Lake City Christian School. Dito nagsimula ang karera ng aking buhay. Unang araw ng pasukan, wala pa akong kakilala, ang lahat ay nagmistulang bago sa aking paningin. Ngunit sa tulong ng aking mga bagong kamag-aaral at mga guro ay unti- unti kong natutunang makihalobilo sa kanila. Habang tumatagal lalong dumadami ang aking mga kaibigan sa aking bagong paaralan. Sabi ng aking ina ay kailangan kong mag-aral upang maging matagumpay sa buhay kung kaya’t minabuti ko ang aking pag-aaral. Nakatungtong ako sa ikalawang taon ng hayskul, lalo pang dumarami ang aking mga kaibigan. Hindi ko naman itinigil ang pagiging mahilig ko sa sports, kaya ipinagpatuloy ko pa rin ito, hindi lamang badminton ang aking sport sumali rin ako sa volleyball at sa basketball. Nakapag-uwi ako ng mga medalya bunga ng aking kakayahan sa sports. Hanggang makatungtong na ako sa ikatlong taon ng hayskul. Sa buhay ng isang mag-aaral hindi natin maiiwasan ang pagkakaroon ng konting kalokohan. Dito ko na naranasan ang magliban o “magcutting” sa klase. Napasali din ako sa fraternity, na labis na ikinagalit ng aking mga tiya, dahil napapadalas na din ang pag uwi uwi ko ng gabi. Nagkaroon din ako ng mabababang marka, kung kaya nagkaroon ako ng “back subject”. Sa kabila noon, nakatungtong pa rin ako sa ikaapat na taon ng hayskul, mahirap ang isang $th year high school student, napaka dameng project n dapat tapusin, kaya mas pinili ko na lamang na bumarkada at lumiban sa klase. Labis na nabahala ang aking ina at mga tiya, lalong nawala sa dereksyon ang buhay ko. Mas pinili kong tumigil muna sa pag-aaral, hinayaan ko munang ang aking mga kapatid ang mag-aral. Ang kapatid kong babae ay nasa ikatatlong taon na sa hayskul. Ang bunso naman ay nasa Ikaanim n Baitang ang Elementarya. Habang nasa bahay ako, ay tumutulong ako sa mga gawaing bahay sa aming tahanan. Nagsisibak ako ng kahoy at ngwawalis ng aming bakuran tuwing umaga. Ngunit hindi ko parin maalis sa aking sarili ang bumarkada at lumabas kapag gabi. Nagpupunta ako sa aking mga kaibigan tuwing gabi. Hinahayaan na lamang ako ng aking mga tiya. Lumipas ang panahon ng akoy pa tambay tambay na lamang. Natapos ang pasukan                                                                                                             

Ito na ako ngayon

Bakasyon, kami ng aking mga kabarkada ay bumuo ng isang grupo upang sumali sa “Summer League” ng aming baranggay. Nananalo kami sa bawat laban ng aming team. Hindi nagtagl kami ang hinirang na kampeon sa Midgit division ng aming baranggay. Dahil sa kaligayahan, napagpasyahan naming nagkaroon ng outing. Napakasaya ng mga panahong iyon, masaya ako kapag kasama ko ang aking mga kaibigan. Ang aming team ay tinawag na “Moron”. We are the Moron Family. Isang barkadahang walang iwanan kailanman. Palagi kameng magkakasama, minsan nga mas inuuna ko pa sila kesa sa iba. Sa hirap o sa ginhawa magkakasama pa din kame, daig pa namin ang mag-asawa sa pagsasama.Problema lang minsan nagkakapikunan dahil sa mga asaran, pero nagkakaaus din naman agad. Tawanan, asaran, pikunan, yan ang mga ginagawa namin pag magkakasama kami                                         

Sa sumunod na taon ng paaralan, napagpasyahan namin n pumasok ulit ako, lumipat muli ako ng paaralan sa Dizon Natioanl Highschool. Sa unang arw ng aking pagpasok nkita ko agad ang aking pinsan na si Benok kaya hindi ako masyadong nahirapang mag-adopt sa kanila, naroon din si Norman Mair, isa sa Moron Family, ang ilan sa aking mga pinsan ay duon din pumapasok. Madali kong nakasalamuha ang aking mga kaklase. Patuloy pa rin ang aking pagpasok sa paaralan. Sumasali rin ako sa mga sports sa school. Nagbabasketball din ako, kasama ang mga kabarkada. Madalas, lumalabas ako kasama sila.
Mga tropa koh

Noong nakaraang eleksyon, tumakbo ako bilang Sk kagawad ng aming baranggay. Ipinakgkaloob naman ito ng Diyos sa akin, nanalo ako bilang isa sa mga kagawad. Sama- sama ulit kame ng aking barkada, si Nikko ang tumayong Sk Chairman. 

Mga team koh sa amin
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong nagsusumikap upang makapagtapos sa pag-aaral, upang matulungan ang aking ina. Ako ang panganay kung kaya’t mas pinagsisikapan ko pa lalo, para maging modelo ako sa aking mga kapatid. Pinagpapatuloy ko din ang pagiging aktibo ko sa pagiging Sk Councilor, nakikilahok ako sa mga Medical Missions. Nawa ay maging matagumpay ang karera ko sa buhay at maging makubuluhan ang pamumuhay ko at may marating sa aking buhay.

Monday, February 21, 2011

Talambuhay ni Charissa Tabladillo

nung umabay ako kay ate.
                                       

  Ako si Charissa E Tabladillo.Ipinanganak noong august 23, 1995 sa B rgy.San juan bayan ng San pablo at nasasakupan ng probinsya ng laguna.
      Ang aking mga magulang ay sina  Crispina Emralino isang mamanahi at si Edgardo Tabladillo na dating sundalo na ngayon ay isang driver mayroon akong kapatid na si Edgardo Tabladillo at meron ako kpatid sa ina 2 na si Christine Joy Maghirang at Emerson Niebres .
nung namatay ung pinsan ko.
     Lumaki ako na wala ang aking ama dahil nakulong siya at ang nag-aruga sa amin ay sina mama at si lola sa tulong na aking mag tiya at tiyo maraming salamat sa kanina at kung hindi dahil sa kanila wala kami.
      Noong bata pa ako lagi akong umaabay sa kasal at sumasali sa angel o ave maria o sagala sa aming parokya ni san juan at noong pagkapanganak ako pinabuhos tubig  ako ng aking mga magulang noong aug 29 1995.
        Noong 2 taon ako at 5 buwan umabay ako sa kaibigan ng aking ate at noong may 9 1998 umabay ako sa aking kamag-anakat piling ko model ako haha.
     
        Noong 5 taon ako umabay ako sa pinsan ko na ang kapartner ko doon ay yung cute na pinsan ng pinsan ko sa side ng mama niya crush na crush ko siya cute kasi hindi ko pa ulit siya nkikita sana makita ko ulit siya kasi dalaga at binata na kami malayo kasi siya taga manila siya.
        
      Pumasok ako ng grade 1 doon ako nakakilala ng mga bagong kaibigan at mga bagong guro,Kung saan ako nag-aaral eh doon din pumasok ang aking mga kapatid at nagtapos ng elementarya.
       Doon ako nakaranas na sumali sa mga intrams na bay grade ang mga sasayaw tuwing july nagcecelebrate kami ng nutrisyon month kung saan may mga dala kaming gulay at prutas habang pumaparada.Sumali din ako sa mga activities katulad ng girls scout.
    Dumating sa buhay namin si tatay ay grade 3 na ako at doon ko lang siya nasilayan.masaya ako noon dahil kompleto na kami at magiging masaya na ang pamilya namin. 
       
    Hindi ko makakalimutan ang mga classmate ko at kaibigan noong grade 3 ako at yung guro namin dahil mababait sila at lagi ako nasali ng paralo kaso sungka nga lang haha




kaming magkakabarkada.
                            
      Ang kulit kulit ko psaway mataray  haha joke lang mabait din naman ako kasi laking simbahan ako.
       Noong ako ay isang taon gulang natututo na daw akong gumapang at noong nagdalwang taon ako marunong na daw akong magsalita na pakonti-konti lang at noong 5 taon ako pumasok na ako sa mababaang paaralan ng Brgy.San Juan San Pablo City.Ng Kinder Ang hindi ko makakalimutan dito ay ang paglalaro namin ng bahay-bahayan at msaya ako dahil nagkaroon ako ng sabit.
      Noong 7 taon ako nag-garde 1 ako sa parehas na paaralan at hinda nagtagal tumutong na ako sa ika2 baytang at pakatapos nag 4 na taon ay nasa 6 na baytang na ako at masaya ako dahil close ko lahat ng classmate ko dahil ilan lang kami at pagsapit ng graduation masaya ako na malungkot  dahil magkakahiwalay kaming magkakaibigan at masaya dahil graduate na ako hindi ko makakalimutan ang mga naranasan ko noong elementary.
        
      Hindi ko makakalimutan noong pumunta kaming grade 5 at 6 sa lipa at naligaw kami dahil taga roon tatay ko nagkita kami ng tita ko sa robinson at nagpabili ako ng senelas at binigyan ako ng pera masaya ako dahil makakabili ako ng pasalubong sa kanila.
    
      Tapos pumunta naman kami sa s.m lipa hindi ko makakalimutan noong nawala yung mga pinsan ko at ginabi kami sa kakahanap sa kanila yung pala nasa opisina na sila at ayaw pang paalisin sila.
     
      Noong nasa daan na kami takot na tkot kami dahil my nakita kaming babaeng nakaputi tapos ang dilim na dilim pa tapos ang lamig pa.














                 
  Noong 12 na ko pumasok ako Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School marami akong nakilala at naging kaibigan lahat sila mababait friendly masarap pakisamahan.
          Nagpatuloy ako sa pag-aaral para sa magulang ko kahit mahirap ginawa ko kahit my mga problema pray lang para balang araw masuklian ko ang mga paghihirap sakin ng magulang ko at pagtitiyaga nila para sa amin 
       
    Noong 13 ako naging adviser ko si mam.baylon at napaka bait niya kahit magulo namin ok lang minsan mataray pag hindi na niya kami masaway  lalo na yung mga matatanda na classmate ko.


         Noong 14 ako isinali ako ni ate sa soclea sa simbahan. umaabsent ako para doon masaya ako pero noong nandoon na ako natakot ako hindi na naman maaari nagpatuloy pa rin ako madami akong nakilala at natutunan at nagkaroon ako ng bagong kaibigan at kapatid at magulang lahat sila mabait friendly masaya ako  dahil dito ko nakilala pa ang sarili ko ng tuluyan at hanggang ngayon patuloy pa rin ako.
    
       Hindi ko makakalimutan eh yung tutulog na kami at nagsulatan ang mga lalaki sinabi nila kung sino crush nila haha buti na lang hindi kami nahuli at napagalitan haha.


       Hindi ko makakalimutan ay noong js namin dahil sinayaw ako ng ex. ko haha malungkot din kasi hindi kasali yung best friend kasi ayaw nila.Nakakatuwa kasi nasamin natulog ung friend ko si leah haha hindi ako mkatulog noon kasi naaalala ko mga nangyari noon sa amin masayang masaya talaga ako.


        Noong 15 ako ay sa kasalukuyan ay tinatapos ko na ang 4th year  at kasama ko pa rin ang mga kaibigan ko at my mga nakilala pa ako at nagsusumikap pa rin ako na makatapos ng pag-aaral. Hindi ko makakalimutan ay noong nagjs kami masa ya party party talaga haha kahit nagkakatampuhan kami magkakaibigan.


        Mayroon akong gusto sa graduation na makapag auxie at makapagbakasyon sa taiwan kaso hindi natuloy pero masaya pa rin ako .
        Gusto ko na sanang matapos na ang taon kasi pagod na ako pero wala akong magagawa kundi magsikap pa lalo kasi maraming project at activities nakakapagod talaga.
        Meron pala akong kapatid sa ina lalaki napalayo siya kay mama at 21 taon hindi sila nagkikita at nagkontact sila ngunit hindi sinasabi ni mama amg sabi lang niya sa aking anak anakan niya ito /
.Hindi nagtagal inamin din niya sa amin pero ok lang tinanggap namin siya kahit iba pa tatay niya ang mahalaga kapatid namin siya cllose kami mabait nanman siya sa amin masipag may asawa na sila pero  walang anak dahil naagasan siya.
        Masaya ako ngayon dahil may dumagdag sa pamilya namin at sana magkaanak na sila  para lalo masaya.
        Sa ngayon ay binabalak kong kumuha ng vocational course na electronics dahil pangarap ko makapagtapos na kursong ito  para makatulong at makapagtrabaho sa ibang bansa lalo na sa taiwan para sa aking mahal sa buhay ang aking pamilya .
       Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil binigyan niya ako ng lakas ng loob para magawa ko ang lahat at sa pamilya nagpapasalamat talaga ako mahal na mahal ko sila gagawin ko lahat para sa kanila at sa kinabukasan ko.
          Sana makapagtapos ako ng pag-aaral ko madami akong natutunan at lalo akong napalapit sa kanila at kay god.
          Ang hindi ko makakalimutan ay noong inaway ko yung classmate ko at sinabunutan ko  at noong 4th year nag away kami ng best friend ko dahil sa isang guy na manloloko at nanakit na damdamin 
        Sana makahanap na ako ng lalaki na magmamahal sakin at mamahalin ako ng totoo at sana wag ako kakalimutan ng mga kaibigan ko at mahal sa buhay.
       

      Ngunit may crush ako kaso tibo mabait siya cute friendly kaso hindi niya ako crush kasi ang crush niya ay bhest ko nasaktan ako ng husto parang gusto ko ng mamatay at nag-away kami ng bhest ko kasi alam naman niya na mahal ko iyon lalo pa noon inamin niya na may tingin siya doon.
  
     Hindi ko makakalimutan ay iyong kumuha kami ng test para sa eskolar maghapon kaming nagtiis ng gutom at nakipagsiksikan para lang makakuha ng test gabi na kami nakauwe.




    Hindi pa rin natatapos ang pag-aaway namin at naisip ko kung mahal niya talaga bhest ko papabayaan ko na sila ang masakit lang dun ay mas pinili niya yon kaysa sa matagal na pinagsamahan namin.
   
   Dito na natatapos ang aking masaya at malungkot at nakakakilig na talambuhay ako po si Charissa E Tabladillo.Mabait mapagmahal na kaibigan at marunong tumanaw ng utang na loob.

Saturday, February 19, 2011

Talambuhay ni John Rex Leonard P.Bati


Happy Family
    Ako si John Rex Leonard P.Bati Rex for short ay ipinanganak noong August 22,1995 sa Community General Hospital sa San Pablo City Laguna,kami ay 7 na magkakapatid 3 kaming lalake at 4 na babae.Kami ay nakatira sa San Rafael San Pablo City Laguna.Pangatlo ako sa magakakapatid,madami man kami sa inyong paningin pero masaya naman kami.

Me and my Bro and Sis..
                     Ang panganay sa aming magkakapatid ay nagngangalang Kayleigh Marie P.Bati "Kim" for short,sya ay 18 na taon at nag-aaral sa De La Salle Lipa sa kursong BSHRM(Bachelor of Science in Hotel Restaurant and Management).sya ang parang naging Nanay sa amin simula ng umalis ang Mama para mag trabaho sa America,sya ang nag disiplina sa aming magkakapatid.Sumunod sa kanya ang kuya ko na si Francis Patrick P.Bati o "Francis"sya naman ay 16 na taon at kasalukuyang napasok sa Laguna College sa kursong Computer Science,sya naman ang naging kalaro ko nung ako ay baby pa kwento ng Mama ko,paminsan-minsan ay hindi man kami nag kakasundo pero hindi rin natagal at nagkakabati din kami.Sumunod naman sa akin ay si Modesto Augusto P.Bati o "teng" nakuha nya ang kanyang pangalan sa 2 kong Lolo na si Modest Paran at Augusto Bati sa lahat ng mag kakapatid sya ang pinaka mabilis utusan at pinaka pilyo kong kapatid,natatandaan ko pa nung hinabol ko sya sa loob ng bahay ng nakahubo at tinutusok ang kanyang pwet napagalitan kami ng mama at napalo.Sumunod naman sa kanya ay si Therese Roxette P.Bati o "aiki" kaya sya tinawag na aiki ay nung bata daw ang lagi nyang sinasabi ay "aiki",sya ang pinaka matalino sa aming mag kakapatid sya din ang pinaka tahimik sa amin.Sumunod naman sa kanya at huli kong kapatid ay si Beverly Lourdes P.Bati at Bernadette Aida P.Bati o "Bea at Bel" sya ang kapatid kong kambal na ubod ng kulit,natatandaan ko pa nung 3 taong gulang palang sila si bea ay nakalunok ng jolen kabadong-kabado na kami dahil baka bumara sa kanya ang jolen at malagutan ng hininga,buti nalang at nan duon nuon si Nabes ang yaya namin at binatukan si bea at lumabas ang jolen.
Me and my Family..
                  Lumaki ako sa pangangalaga ng aking lola dahil ang mama at papa ay nagtratrabaho at walang oras sa aming mag kakapatid,ako daw nung bata ay napaka iyakin sabi ng lola ko simula Manila hanggang sa kanila hanggang makarating kami sa amin ay naiyak pa din ako wala daw hinto ang aking iyak.Napaka kulit namin ng kapatid ko,halos hindi na magkandaugaga ang yaya namin.
Me when i was younger..
           At nag simula akong pumasok sa edad na 5 sa Grace and Truth dito sa San Pablo bilang isang Nursery,natatandaan ko nung iniintay ko ang sundo ko ay nakakita ako ng pencil sharpener at tinasahan ang sarili kong daliri.Hindi ako mapakali dahil napaka daming dugo ang nalabas,hindi naman ako mapaiyak at baka mapatingin ang mga tao sa akin.At nung dumating si Mama para sunduin ako nakita nya ang kamay ko na puno ng dugo at agad kaming pumunta sa Clinic upang magamot ang aking sugat.Mag kahalong saya at lungkot ang nadama ko dahil habang pauwi kami ay pinapagalitan ako kaos lungkot na lungkot sya sa akin.At nung mag bakasyon kami sa Lucena ay nung isang beses,nag lalaro kami ng espadahan ng aking pinsan ng hindi ko namalayan na merong nakausling pako sa kahoy kong hawak,pag hampas ko sa kanya ay bumaon ung pako sa aking daliri.Ayaw matanggal ng pako dahil malalim ang baon,agad ako nag punta sa aking mama at pinakita ang nang yari sa akin.Agad kaming nag punta sa tita ko na isang nurse at ginamot ang sugat tinurukan ako ng anti tetano para hindi ako malason.At nung isang beses ay nilalaro ko ung pusa ng lola ko ng biglang pagkakalmotin ako sa kamay,iyak na iyak ako at sinasabi sa aking mama na "mamamatay na ako",tawang tawa ang mama at sinabing hindi ka mamamatay pinaturukan ako ng anti rabies.
       At nung makatapos ako ng Nursery ay agad ako pinasok sa Preparatory sa Liceo De San Pablo. Natatandaan ko nung kami ay naglalaro ng kaklase ko ng biglang nanggigil ako sa kanya at natusok ko ng lapis ang kanyang kamay,iyak na iyak ako dahil papapirmahin ako sa Annecdotal kung saan dun pinapapipirma ang mga magulang tuwing kuhanan ng card,kaya ako umiyak dahil baka makita ni mama ang ginawa kong kasalanan at baka mapalo.At nung makatapos ako ng prep. ay tumanggap ako ng parangal na "Achiever" dahil matataas ang aking mga grade.At nung mag bakasyon sinundo ako ng lola ko at dun ako pinag bakasyon sa Lucena hanggang mag pasukan.Natatandaan ko pa nun,tuwing umaga pag ka gising ko ay meron ng pagkain nakahanda sa lamesa araw-araw nya ung ginagawa at pagkatapos nun ay isasama nya ako sa palengke upang mamili ng makakain para sa tanghali.At tuwing linggo ng madaling araw ay nag sisimba kami kasama ang aking pinsan.At nung malapit na ang pasukan ay susunduin na ako nila papa at mama,ayaw ko daw na sumama ng hindi kasama ang aking lola kaya ang gagawin ng lola ko ay sasama sya papunta dito sa San Pablo at tatagal ng mahigit isang buwan.
     At nung mag simula akong mag Grade 1 sa Liceo De San Pablo ulit ay medyo naging pilyo at bumaba ang aking mga grade dahil na din sa mga kaklase ko.Natatandaan ko nung nag hampasan ung kaklase ko ng tambo dahil pinag ulot sila ng aking mga kaklase kasama na ako dun sa mga nag ulot,pinatawag ang mga magulang ng mga nag hampasan.At nung mag Field Trip kami ay tuwang-tuwa ako dahil kasama ko ag aking mga kaklase  papuntang Manila.Pumunta kami sa Gardenia at sa E.K o Enchanted Kingdom.Takot na takot akong sumakay sa Spce Shuttle dahil napaka taas ng ride na iyon kaya dun nalgn kami sumakay sa mga pambatang rides at kumain kami ng kumain ng mama ko.At nung mag bakasyon ay bumalik ulit kami sa Echanted Kingdom kasama ko naman ang aking pamilya dun ko nakita ang 1st crush ko,tingin ako ng tingin sa kanya at nag pa picture.Tuwang-tuwa ako dahil sumakay si papa sa "log jump" at pag baba ay namumutla at nung bakasyong din un ay dumami ang bukol ko dahil lagi kaming nauumpog ng aking kapatid at madami din kaming sugat sa binti dahil lagi kaming nagdaragasa sa bike.

At nung mag Grade 2 ako dun ulit ako pumasok,natatandaan ko nung isang beses ay tinapon ng kaklase ko ang Alcohol sa mata ng isa ko pang kaklase tawang-tawa kami dahil naiyak ang kaklase ko pero hindi tumagal ay kinabaduhan kami dahil baka mabulag ang kaklase ko,pintawag ang magulang ng kaklase ko at pinagsabihan.Buti nalang at hindi ako dinamay ng kaklase ko at nung isang beses ay kinuha ng kaklase ko ang panty ng kaklase ko sa kanyang material box,naghabolan sila sa classroom at saktong nag-iikot ang principal ng elementary para mag check kung anu-ano ang mga ginagawa ng mga estudyante,nakita ng principal na suot-suot ng kaklase ko sa ulo ang panty ng kaklase kong babae agad na pinatawag ang magulang ng kaklase ko nakita ko na pinapagalitan sya ng kanyang mama.kaya sinabi ko sa aking sarili na mas mabuti ng lumayo ka sa mga taong magagaslaw at walang modo para hindi ka madamay sa kanilang gulo.

At nung mag Grade 3 ako dun padin ako napasok,natatandaan ko pa nung mag 1st Communion kami,una kong beses na sumubo ng "Ostia" akala ko sa una ay basta nalang kinakain ang ostia pero meron pala un kahulugan,naging maayos naman ang kinalabasan ng aking 1st Communion at pag katapos nun ay kumain kami ni mama sa Mcdo.Tuwang-tuwa sya sa akin dahil unting-unti na ako nalaki.At nung intrams ng Liceo ay lumaban ako ng Muse and Escort hindi man lang ako pinalad na manalo pero proud naman sa akin ang mama ko.


At nung mag Grade 4 ako ay naulit-ulit na ako ang napiling escort sa aming klase pero hindi na ako lumaban sa Muse and Escort . Natatandaan ko nung isang beses ay napaso ako ng isang mama sa may kanto ng kanyang sigarilyo kaya ako nag ka meron ng paso sa may braso.At nung Grade 4 din ako tinubuan ng Bulutong buti nalang at bakasyon na iyon,hirap na hirap akong gumalaw dahil masakit ang pakiramdam ko kapag nadadaplisan ang aking Bulutong at pinipisil pa ng pinsan ko ang mga bulutong hindi naman ako maka laban dahil masakit kumibo.


At nung mag Grade 5 ako dun pa din ako pumasok sa Liceo,dun ko nakita ang aking 2nd Crush, naging ka close ko ang crush ko at hindi nag tagal naging cruh din nya ako.Binili ko sya ng regalo nuong mag Christmas party kami. Tuwang-tuwa sya nung natanggap nya ang regalo.


    At nung mag Grade 6 kami natatandaan ko nung mag field trip kami sa Subic,madami kaming napuntahan isa na dun ang San Fernando Church kung saan ay natabunan ng Lahar na ang naturung simbahan pag ka tapos nun ay pumunta kami sa Zoobic Safari kung saan pinakain namin ang Tigre ng malapitan.At pag katapos nun ay nag punta kami sa duty free at namili ng mga chocolate para pasalubong at pag ka tapos nun ay nag punta kami sa SM Pampanga at dun na kami kumain ng hapunan,pagod na pagod kami pero masaya ang trip.At nung malapit na ang Graduation kami ay nag Recollection sa Sta.Cruz Laguna,madamami kaming ginawang activity at ang pinaka memorable dun ay ung nag kwento sa amin kung saan ay meron isang barkong lulubog at kasama ang mga mahal mo sa buhay iyak na iyak kaming lahat ng magkakaklase ko dahil ayaw namin na mawala ang mga mahal namin sa aming piling.At kinabukasan ay pianpunta lahat ng mga magulang upang sunduin kami,hindi napigilan ng mama ko na mapaiyak dahil mababaw lang ang kanyang luha pati din ako ay nadala sa kanya dahil dun ko nalaman na miss na miss ako ng aking mama at ganun din ang nararamdaman ko.At nung Grumaduate ako ay umalis naman ang papa para mag trabaho sa ibang bansa.Naging malungkot ang Graduation ko dahil hindi nya man lang ako nakitang umakyat ng stage at kumuha ng diploma.

Me and my cousin and Tita at E.K.
  At nung mag 1st year ako,dun ulit ako pumasok sa Liceo De San Pablo,ang iba kong kaklase nuong prep. hanggang Grade 6 ay kaklase ko pa din.Dun din ako nag ka meron ng 3rd Crush na si Rama Esguerra.At nung isang beses nakita ko ang dati kong kaklase sa canteen at nag apir kami napasala ang apir ko at sumabog sa kanya ang iniinom nyang palamig,natawa ako at naawa dahil halos naligo sya sa palamig at ang sabi pa nya sa akin ay "baka daw sya langgamin".

Me and my Friend.. 
 At nung mag 2nd year kami ay nakatanggap kami ng  isang balita na nag ka meron ang lola ko ng matinding sakit na Diabetis walang mag-aalaga sa kanya kaya nag pasya ang mama at papa na lumipat sa Lucena para maalagaan ang lola,dun ako pumasok ng 2nd Year sa Quezon National High School o Quezon High.Nung una ay ayaw na ayaw kong pumasok dahil panibagong pagsisimula nanaman at hindi nag tagal ay nag ka meron ako ng mga kaibigan dun,1st time kong mag ka meron ng kaklaseng ang edad ay 19.Takot na takot ako sa kanya dahil meron syang dalang ice pick sa school pero hindi nag tagal ay naging mag kaibigan kami,pinprotektahan nya ako sa mga taong nang aaway sa akin.At dun din ko nalaman ang mga fraternities kagaya ng TBS,TAU GAMMA,at SRB.Akala ng mga taong kasali dun na porke kasali sila ay pede na nilang gawin ang mga bagay na bawal gawin.Dun din ako naaddict mag computer halos araw-araw ako nun nag cocomputer,dun din ako natutong mag tahi sa subject na TLE kung saan nag tahi kami ng sarili naming short.

Addict Mode..
At nung mag 3rd year kami ay kasama ko pa din ang lola ko at mas lalong lumala ang kanyang kalagayan kinailangan nyang 2 beses mag dialisis sa isang linggo para masala ang kanyang dugo.Awang awa ako sa aking lola at pinangako na kapag nakatapos ako ng pag-aaral ay aalagaan ko sya.At nund 3rd year din unang beses kong mag JS o Junior and Senior napasali ako sa kutilyon pero hindi ako nakapag perform dahil na late ung partner ko,ang hindi ko makakalimutan ay nung isinayaw ko ung Crush ko na si Nadja Pormasdoro at binigyan ko pa ng flowers,tuwang-tuwa ako dahil naisayaw ko sya.At nung gabing iyon din ay nagka close kami at di nag tagal ay nahulog ang puso nya sa akin,sayang nga lang at lumipat na ulit kami dito sa San Pablo dahil medyo maayos na ung pakiramdam ni lola pero bumalik ulit kami sa Lucena dahil nag kasakit ung kapatin kong kambal na si Bel dahil sa sobrang pagod nung kami ay nag punta sa Star City upang mag family bonding,nalaman namin na meron ung kapatid kong sakit na "siesure" awang awa kami sa kapatid ko dahil bigla syang namayat tumagal sya ng halos 2 linggo sa hospital para maka recover.

At ngayon 4th Year lumipat ulit kami dito sa San Pablo,dapat ay sa Liceo ulit kami papasok pero huli na ang lahat kaya dito ako pinapasok sa Dizon High,nung una ay parang ayokong pumasok dahil una ay public school at parang magugulo ang estudyante dun,kaso hindi naman lahat ng tao ay magugulo pipili ka lang talaga ng kakaibiganin mo.Dun ko nakilala ang 4-h nung una ay medyo nahihiya ako dahil lahat sila ay mag kakakilala na,naging kaibigan ko ang "Team Pogi" na sina Alemania,Creer,Munoz,Greggy,Jonas,at marami pang iba.Dito din ako natutong mag sugal,kaso dito din ako natutong makisalamuha sa ibang tao.
                     
Me at my Room..
                    Lumaban ako ng Mr.and Ms. Intrams at nanalo ng Best in Sports were hindi ko aakalaing mananalo ako dahil mahiyain ako.At nadagdagan pa iyon ng parangal na 1st runner up at best in sportswear ulit nung ako ay lumaban naman ng Mr.and Ms.Mini olympic tuwang-tuwa ako dahil nakakuha ako ng parangal na iyon.At natatandaan ko nung mag Field Trip ang Dizon High madami  kaming napuntahan na magagandang place katulad ng Fort Santiago parang nung nag punta kami dun ay bumalik ako sa unang panahon,tapos nag punta din kami sa Mall of Asia kung saan nag kandawalaan mga kaklase ko.At ngayon 4th Year din ako nag ka meron ng 1st girlfriend ko na si hannah jamaica lacap,pero hindi din kami nag tagl dahil sa kanyang ugali.

                At hindi ko din makakalimutan ay nung mag J.S ang Dizon High Hawaiian Style,tuwang-tuwa ako dahil kasama ko buong magdamag ang bago kung crush na si Abegail Abbas o Adah hindi ko man sya naisayaw pero naging masaya na din ako dahil buong magdamag na mag kasama kami..At sana nagayon Gragraduate na kami sana ay maka graduate kaming lahat ng 4th year at sana maging maayos at mag kita-kita padin kami.. 

Ang talambuhay ni Mary Grace Latade

       Ako si Mary Grace Latade, pinanganak ako noong Oct.6,1994, ang aking ama ay si Roperto Latade, ang aking ina ay si Ma.belen Costudio. Apat kaming magkakapatid, ang panganay ay lalaki, na si Arnel, sumunod ay babae na si Julie Ann, sumunod ay babae at ako yon, ang bunso ay lalaki na si Raymark. Kahit simpling buhay lang, masaya parin kaming magkakasama.
 
 






Noong ako'y  bininyagan.
        Noong pinanganak ako noong Oct.6,1994, sa bahay namin ako isinilang, dahil doon inabutan ng panganganak si inay, sinambot ako noon ni inay Rose na asawa ng kapatid ng aking ama. bininyagan ako noong oct.27,1994. Sabi daw ng mga ninong at ninang ko noon, ang liit-liit ko daw, makulit at cute na bata. Madami ang natutuwa sa akin noon.






7 moths ako.



        Pitong buwan ako noon, mahilig daw akong makipag laro at makipag-usap, kahit tawa daw ako ng tawa, madami ang natutuwa sa akin noon, dahil makulit daw ako. Lagi daw ako noong tumatawa mag isa, kaya lagi daw silang natatawa kasi ang cute ko daw tumawa.
Noong ako'y nag isang taon.

        Noong nag isang taon ako noong Oct.6,1995, madami ang nagpunta, kumpleto ang pamilya at mga pinsan ko. antukin daw ako noon, makulit at pasaway.kahit simpling handaan lang, masaya ang lahat.

          Tatlong taon ako noon pinanganak ang bunsong kapatid namin na pinangalanang Raymark . Pero ang lagi ko daw tinatawag sa kanya ay moy moy. Kaya moy moy ang tawag ng lahat sa kanya.



Apat na taong gulang ako.
          Apat na taong gulang ako, medyo tumbuyin  ako, laging inaasar ng mga pinsan na tumboy daw ako.Mahilig daw kase ako sa mga bagay na panlalaki. Inaasar ako ng ate at kuya ko na ampon daw ako, kaya nag impake ako ng mga damit ko, iyak ako ng iyak, pumara ako ng trycle noon para sumakay , dumating si inay galing sa palengke, dahil nagtitinda kami noon sa palengke, pinagalitan at pinagsabihan ni inay sila ate at kuya.Simula noon naging maganda na ang pakikisama ko sa kanila.parati kaming nag aaway makakapatid pero mamaya bati na ulit. Ang trabaho ng aking mga magulang noon ay nagtitinda si inay ng gulay sa palengke, at si tatay ay nagtitinda ng isda.

           Limang taong gulang ako pumasok ng kinder, lagi akong pala absent noon kaya bumalik ako ng kinder. Nag grade1 ako ng pitong taong gulang, sa central ako pumasok noon. Masaya ako at nag karoon ako ng mga bagong kaibigan.Masayahin at makulit ang pag kakakilaa sa akin ng mga classmate ko. Ng nag grade4 ako,my mga classmate akong kinaiinisan, kasi napaka arte at plastic silang kaibigan, madami ang nagagalit sa kanya. Pero simula ng sumama at nkipag kaibign sya sa amin, nag iba n sya, naging masayahin at mabait na sya. Nag birthday ang adviser namin, nag ambagan kami para lang bumili na cake, para pasalamatan sa lahat ng ginawa at sa magaling na pagtuturo sa amin. Grade5 ako magaling ako sa klase namin, pero minsan may pagkatamad kaya bumababa ang grade ko. Madami akong naging kaibigan, mabubuti sila kaso pag minsan may hindi pagkakasunduan. pero hindi kami nag aaway-away. may lalaking nangligaw sa akin noon syempre wala pa sa isip ko noon ang pagboboyfriend kaya binasted ko sya. Pag may lalaking lumalapit sa akin noon lagi kong sinusuntok , kaya ko sila sinusuntok kasi makukulit sila. Minsan sumali ako noon sa track and field, masaya kaso nakakapagod kase umiikot kami sa oval ng ilang beses, minsan pinaikot kami ng labing dalawang ikot, kaya tumigil ako sa paglalaro. pinag patuloy ko ang aking pag-aaral at pinag ayos kaso nahirapan ako sa pag habol sa lesson namin. kahit mahirap pinag ayos ko parin ang aking pa-aaral. Christmas party namin noon ay masaya kase ang mga lalaki namin ay binihisan namin ng pangbabaing damit at nilagyan namin ng make-up. Nakakatawa yung bakla naming classmate naka tube, nakapalda, nkahills at naka make-up. Lalo nyang napasaya ang amang christmas party. Valentines day, may mga nagbigay sakin ngh bulaklak, ayaw ko tanggapi pero pinilit nila ako, kahit yun lang daw tanggapin ko, kaya tinanggap ko.


       Grade6 ako nahiwalay ako sa mga kaibigan ko. pero madaming mas mababait at maunawain akong naging kaibigan, napakasaya ko kasi lahat kaming makaclassmate ay mag kakaibigan.lagi kaming napapalit ng teacher, una naming teacher  napakabait at siya ang paburito kong teacher. paburito din nya akong studyante, kase daw mabait daw ako, at palaging sumasagot sa klase, parati kaming mag kasama, lalo na pag nag papaserok kami, kaso nagpalit ulit kami ng teacher, nung umalis sya iyak kami ng iyak, pati sya umiyak, sabi nya mamimis daw nya ako, at sabi nya mahal daw nya ako, na para na daw nya akong anak, sabi ko sa kanya mamimis ko din sya lalo na yung parati naming magkasama,. Nagkaroon kami ng MTAP, di na ako pinasali noon kasi marunong naman daw ako, sumali ang mga kaibigan ko, kaso hindi nila ito pinapasukan tuwing sabado, kasi lagi nila ako pinupuntahan sa tindahan namin sa lake na ihaw-ihaw., para pumunta sa san pedro spc, sa bahay ng classmate namin, lagi naman ako pinapayagan ng parents ko.kaya tuwing sabado lagi kaming nandoon, para maglaro, minsan inabot kmi ng gabi, doon sila lahat natulog kasi sinundo ako ng parents ko, di nila ako pinagalitan, sinabi lang sakin na sasusunod kunin ko daw number ni ate para itext. Ang saya ko sa mga kaibigan ko kasi, sila ay mababait, matulungin lalo na pag may problema ka, at sila ay tunay na kaibigan.



Graduation namin nung grade6.
          Graduation na! lahat kami masaya kasi lahat kami nakagraduate. Magkakahiwalay-hiwalay na ulit kaming makakaibigan, kasi magkakaiba ang school na papasukan namin, masaya ang graduation na may pagkalungkot, kasi magkakahiwalay na kaming lahat.

Mga pinsan ko.
        Vacation, sa sata isabel ako nag bakasyon, pihikan man sa mga pakain, pero ni minsan di ako nareklamo, masaya sa bukid namin lagi kaming kamakain ng prutas, ksama ang mg pinsan ko,. Nagswiming kaming magpapansan, napakasaya lahat kami ay kumpleto sabay-sabay kaming kumakain, at nagkakasayahan.

         High school sa CLDDMNHS ako pumasok nahirapan ako sa pakikisama sa mga classmate ko, pero naging kaibigan ko din sila, mahira ang mga lesson namin pero inaayos ko ang pag-aaral ko, pag wala kaming klase parati kaming napunta sa ulti mart, laging naglalaro at nagkakantahan, parati nga kaming pumunta sa ulti mart, pero ni minsan di kami nagcating, at ni minsan di namin pinabayaan ang pag-aaral namin.

          Second year, nahiwalay ulit ako sa mga kaibigan ko, pero parati parin kaming nagsasamasama pagwalang klase, hindi ako nakikisama sa mga classmate ko,kasi sa tingin ko mahirap silang pakisamahan. pero hindi pla naging kaibigan ko sila at nakasama pag may lakad kami.

        Third year, una kong nkilala sa mga classmate ko ay si kris, naging matalik ko syang kaibigan, parati kming mag kasama, sa kanya ko lang din sinasabi ang mga problema ko. dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan ko.


Ako at ang aking kaibigan.
       Fourth year kami madami akong mababait na bagong kaibigan, masaya ako sa kanila. Pag my mga activity  at assignment ay kami ay naggagayahan, pag wala kaming klase kami ay parating nakatambay sa tapat ng faculty, parati kaming nauutusan doon, pag minsan parati kaming nasa lake para mag pahangin. Pag may klase kami lagi kaming magkakatabi kase pag may activity kami ay naggagayahan kami pag hindi namin alam.Pero nag aaral parin kaming mabuti..

Syempre hindi ko makakalimutan ang aking mga karanasan sa Dizon High, lalo na ang mga taong nagpahalaga sa akin at nag mahal ng lubos, syempre hindi ko din makakalimutan ang aming mga guro at lalo na ang maganda at napakabait naming adviser nasi Mrs.Jenilee Putungan. Kahit makagraduate kami ay di ko sila kalilimutan dahil isa sila sa mga taong nagbigay kahulugan sa buhay ko.

    Sana makagraduate kaming lahat!.
    Marami pong salamat!.