Happy Family |
Me and my Bro and Sis.. |
Me and my Family.. |
Me when i was younger.. |
At nung makatapos ako ng Nursery ay agad ako pinasok sa Preparatory sa Liceo De San Pablo. Natatandaan ko nung kami ay naglalaro ng kaklase ko ng biglang nanggigil ako sa kanya at natusok ko ng lapis ang kanyang kamay,iyak na iyak ako dahil papapirmahin ako sa Annecdotal kung saan dun pinapapipirma ang mga magulang tuwing kuhanan ng card,kaya ako umiyak dahil baka makita ni mama ang ginawa kong kasalanan at baka mapalo.At nung makatapos ako ng prep. ay tumanggap ako ng parangal na "Achiever" dahil matataas ang aking mga grade.At nung mag bakasyon sinundo ako ng lola ko at dun ako pinag bakasyon sa Lucena hanggang mag pasukan.Natatandaan ko pa nun,tuwing umaga pag ka gising ko ay meron ng pagkain nakahanda sa lamesa araw-araw nya ung ginagawa at pagkatapos nun ay isasama nya ako sa palengke upang mamili ng makakain para sa tanghali.At tuwing linggo ng madaling araw ay nag sisimba kami kasama ang aking pinsan.At nung malapit na ang pasukan ay susunduin na ako nila papa at mama,ayaw ko daw na sumama ng hindi kasama ang aking lola kaya ang gagawin ng lola ko ay sasama sya papunta dito sa San Pablo at tatagal ng mahigit isang buwan.
At nung mag simula akong mag Grade 1 sa Liceo De San Pablo ulit ay medyo naging pilyo at bumaba ang aking mga grade dahil na din sa mga kaklase ko.Natatandaan ko nung nag hampasan ung kaklase ko ng tambo dahil pinag ulot sila ng aking mga kaklase kasama na ako dun sa mga nag ulot,pinatawag ang mga magulang ng mga nag hampasan.At nung mag Field Trip kami ay tuwang-tuwa ako dahil kasama ko ag aking mga kaklase papuntang Manila.Pumunta kami sa Gardenia at sa E.K o Enchanted Kingdom.Takot na takot akong sumakay sa Spce Shuttle dahil napaka taas ng ride na iyon kaya dun nalgn kami sumakay sa mga pambatang rides at kumain kami ng kumain ng mama ko.At nung mag bakasyon ay bumalik ulit kami sa Echanted Kingdom kasama ko naman ang aking pamilya dun ko nakita ang 1st crush ko,tingin ako ng tingin sa kanya at nag pa picture.Tuwang-tuwa ako dahil sumakay si papa sa "log jump" at pag baba ay namumutla at nung bakasyong din un ay dumami ang bukol ko dahil lagi kaming nauumpog ng aking kapatid at madami din kaming sugat sa binti dahil lagi kaming nagdaragasa sa bike.
At nung mag Grade 2 ako dun ulit ako pumasok,natatandaan ko nung isang beses ay tinapon ng kaklase ko ang Alcohol sa mata ng isa ko pang kaklase tawang-tawa kami dahil naiyak ang kaklase ko pero hindi tumagal ay kinabaduhan kami dahil baka mabulag ang kaklase ko,pintawag ang magulang ng kaklase ko at pinagsabihan.Buti nalang at hindi ako dinamay ng kaklase ko at nung isang beses ay kinuha ng kaklase ko ang panty ng kaklase ko sa kanyang material box,naghabolan sila sa classroom at saktong nag-iikot ang principal ng elementary para mag check kung anu-ano ang mga ginagawa ng mga estudyante,nakita ng principal na suot-suot ng kaklase ko sa ulo ang panty ng kaklase kong babae agad na pinatawag ang magulang ng kaklase ko nakita ko na pinapagalitan sya ng kanyang mama.kaya sinabi ko sa aking sarili na mas mabuti ng lumayo ka sa mga taong magagaslaw at walang modo para hindi ka madamay sa kanilang gulo.
At nung mag Grade 3 ako dun padin ako napasok,natatandaan ko pa nung mag 1st Communion kami,una kong beses na sumubo ng "Ostia" akala ko sa una ay basta nalang kinakain ang ostia pero meron pala un kahulugan,naging maayos naman ang kinalabasan ng aking 1st Communion at pag katapos nun ay kumain kami ni mama sa Mcdo.Tuwang-tuwa sya sa akin dahil unting-unti na ako nalaki.At nung intrams ng Liceo ay lumaban ako ng Muse and Escort hindi man lang ako pinalad na manalo pero proud naman sa akin ang mama ko.
At nung mag Grade 4 ako ay naulit-ulit na ako ang napiling escort sa aming klase pero hindi na ako lumaban sa Muse and Escort . Natatandaan ko nung isang beses ay napaso ako ng isang mama sa may kanto ng kanyang sigarilyo kaya ako nag ka meron ng paso sa may braso.At nung Grade 4 din ako tinubuan ng Bulutong buti nalang at bakasyon na iyon,hirap na hirap akong gumalaw dahil masakit ang pakiramdam ko kapag nadadaplisan ang aking Bulutong at pinipisil pa ng pinsan ko ang mga bulutong hindi naman ako maka laban dahil masakit kumibo.
At nung mag Grade 5 ako dun pa din ako pumasok sa Liceo,dun ko nakita ang aking 2nd Crush, naging ka close ko ang crush ko at hindi nag tagal naging cruh din nya ako.Binili ko sya ng regalo nuong mag Christmas party kami. Tuwang-tuwa sya nung natanggap nya ang regalo.
At nung mag Grade 6 kami natatandaan ko nung mag field trip kami sa Subic,madami kaming napuntahan isa na dun ang San Fernando Church kung saan ay natabunan ng Lahar na ang naturung simbahan pag ka tapos nun ay pumunta kami sa Zoobic Safari kung saan pinakain namin ang Tigre ng malapitan.At pag katapos nun ay nag punta kami sa duty free at namili ng mga chocolate para pasalubong at pag ka tapos nun ay nag punta kami sa SM Pampanga at dun na kami kumain ng hapunan,pagod na pagod kami pero masaya ang trip.At nung malapit na ang Graduation kami ay nag Recollection sa Sta.Cruz Laguna,madamami kaming ginawang activity at ang pinaka memorable dun ay ung nag kwento sa amin kung saan ay meron isang barkong lulubog at kasama ang mga mahal mo sa buhay iyak na iyak kaming lahat ng magkakaklase ko dahil ayaw namin na mawala ang mga mahal namin sa aming piling.At kinabukasan ay pianpunta lahat ng mga magulang upang sunduin kami,hindi napigilan ng mama ko na mapaiyak dahil mababaw lang ang kanyang luha pati din ako ay nadala sa kanya dahil dun ko nalaman na miss na miss ako ng aking mama at ganun din ang nararamdaman ko.At nung Grumaduate ako ay umalis naman ang papa para mag trabaho sa ibang bansa.Naging malungkot ang Graduation ko dahil hindi nya man lang ako nakitang umakyat ng stage at kumuha ng diploma.
Me and my cousin and Tita at E.K. |
Me and my Friend.. |
Addict Mode.. |
At ngayon 4th Year lumipat ulit kami dito sa San Pablo,dapat ay sa Liceo ulit kami papasok pero huli na ang lahat kaya dito ako pinapasok sa Dizon High,nung una ay parang ayokong pumasok dahil una ay public school at parang magugulo ang estudyante dun,kaso hindi naman lahat ng tao ay magugulo pipili ka lang talaga ng kakaibiganin mo.Dun ko nakilala ang 4-h nung una ay medyo nahihiya ako dahil lahat sila ay mag kakakilala na,naging kaibigan ko ang "Team Pogi" na sina Alemania,Creer,Munoz,Greggy,Jonas,at marami pang iba.Dito din ako natutong mag sugal,kaso dito din ako natutong makisalamuha sa ibang tao.
Me at my Room.. |
At hindi ko din makakalimutan ay nung mag J.S ang Dizon High Hawaiian Style,tuwang-tuwa ako dahil kasama ko buong magdamag ang bago kung crush na si Abegail Abbas o Adah hindi ko man sya naisayaw pero naging masaya na din ako dahil buong magdamag na mag kasama kami..At sana nagayon Gragraduate na kami sana ay maka graduate kaming lahat ng 4th year at sana maging maayos at mag kita-kita padin kami..
No comments:
Post a Comment