Saturday, February 19, 2011

Ang talambuhay ni Mary Grace Latade

       Ako si Mary Grace Latade, pinanganak ako noong Oct.6,1994, ang aking ama ay si Roperto Latade, ang aking ina ay si Ma.belen Costudio. Apat kaming magkakapatid, ang panganay ay lalaki, na si Arnel, sumunod ay babae na si Julie Ann, sumunod ay babae at ako yon, ang bunso ay lalaki na si Raymark. Kahit simpling buhay lang, masaya parin kaming magkakasama.
 
 






Noong ako'y  bininyagan.
        Noong pinanganak ako noong Oct.6,1994, sa bahay namin ako isinilang, dahil doon inabutan ng panganganak si inay, sinambot ako noon ni inay Rose na asawa ng kapatid ng aking ama. bininyagan ako noong oct.27,1994. Sabi daw ng mga ninong at ninang ko noon, ang liit-liit ko daw, makulit at cute na bata. Madami ang natutuwa sa akin noon.






7 moths ako.



        Pitong buwan ako noon, mahilig daw akong makipag laro at makipag-usap, kahit tawa daw ako ng tawa, madami ang natutuwa sa akin noon, dahil makulit daw ako. Lagi daw ako noong tumatawa mag isa, kaya lagi daw silang natatawa kasi ang cute ko daw tumawa.
Noong ako'y nag isang taon.

        Noong nag isang taon ako noong Oct.6,1995, madami ang nagpunta, kumpleto ang pamilya at mga pinsan ko. antukin daw ako noon, makulit at pasaway.kahit simpling handaan lang, masaya ang lahat.

          Tatlong taon ako noon pinanganak ang bunsong kapatid namin na pinangalanang Raymark . Pero ang lagi ko daw tinatawag sa kanya ay moy moy. Kaya moy moy ang tawag ng lahat sa kanya.



Apat na taong gulang ako.
          Apat na taong gulang ako, medyo tumbuyin  ako, laging inaasar ng mga pinsan na tumboy daw ako.Mahilig daw kase ako sa mga bagay na panlalaki. Inaasar ako ng ate at kuya ko na ampon daw ako, kaya nag impake ako ng mga damit ko, iyak ako ng iyak, pumara ako ng trycle noon para sumakay , dumating si inay galing sa palengke, dahil nagtitinda kami noon sa palengke, pinagalitan at pinagsabihan ni inay sila ate at kuya.Simula noon naging maganda na ang pakikisama ko sa kanila.parati kaming nag aaway makakapatid pero mamaya bati na ulit. Ang trabaho ng aking mga magulang noon ay nagtitinda si inay ng gulay sa palengke, at si tatay ay nagtitinda ng isda.

           Limang taong gulang ako pumasok ng kinder, lagi akong pala absent noon kaya bumalik ako ng kinder. Nag grade1 ako ng pitong taong gulang, sa central ako pumasok noon. Masaya ako at nag karoon ako ng mga bagong kaibigan.Masayahin at makulit ang pag kakakilaa sa akin ng mga classmate ko. Ng nag grade4 ako,my mga classmate akong kinaiinisan, kasi napaka arte at plastic silang kaibigan, madami ang nagagalit sa kanya. Pero simula ng sumama at nkipag kaibign sya sa amin, nag iba n sya, naging masayahin at mabait na sya. Nag birthday ang adviser namin, nag ambagan kami para lang bumili na cake, para pasalamatan sa lahat ng ginawa at sa magaling na pagtuturo sa amin. Grade5 ako magaling ako sa klase namin, pero minsan may pagkatamad kaya bumababa ang grade ko. Madami akong naging kaibigan, mabubuti sila kaso pag minsan may hindi pagkakasunduan. pero hindi kami nag aaway-away. may lalaking nangligaw sa akin noon syempre wala pa sa isip ko noon ang pagboboyfriend kaya binasted ko sya. Pag may lalaking lumalapit sa akin noon lagi kong sinusuntok , kaya ko sila sinusuntok kasi makukulit sila. Minsan sumali ako noon sa track and field, masaya kaso nakakapagod kase umiikot kami sa oval ng ilang beses, minsan pinaikot kami ng labing dalawang ikot, kaya tumigil ako sa paglalaro. pinag patuloy ko ang aking pag-aaral at pinag ayos kaso nahirapan ako sa pag habol sa lesson namin. kahit mahirap pinag ayos ko parin ang aking pa-aaral. Christmas party namin noon ay masaya kase ang mga lalaki namin ay binihisan namin ng pangbabaing damit at nilagyan namin ng make-up. Nakakatawa yung bakla naming classmate naka tube, nakapalda, nkahills at naka make-up. Lalo nyang napasaya ang amang christmas party. Valentines day, may mga nagbigay sakin ngh bulaklak, ayaw ko tanggapi pero pinilit nila ako, kahit yun lang daw tanggapin ko, kaya tinanggap ko.


       Grade6 ako nahiwalay ako sa mga kaibigan ko. pero madaming mas mababait at maunawain akong naging kaibigan, napakasaya ko kasi lahat kaming makaclassmate ay mag kakaibigan.lagi kaming napapalit ng teacher, una naming teacher  napakabait at siya ang paburito kong teacher. paburito din nya akong studyante, kase daw mabait daw ako, at palaging sumasagot sa klase, parati kaming mag kasama, lalo na pag nag papaserok kami, kaso nagpalit ulit kami ng teacher, nung umalis sya iyak kami ng iyak, pati sya umiyak, sabi nya mamimis daw nya ako, at sabi nya mahal daw nya ako, na para na daw nya akong anak, sabi ko sa kanya mamimis ko din sya lalo na yung parati naming magkasama,. Nagkaroon kami ng MTAP, di na ako pinasali noon kasi marunong naman daw ako, sumali ang mga kaibigan ko, kaso hindi nila ito pinapasukan tuwing sabado, kasi lagi nila ako pinupuntahan sa tindahan namin sa lake na ihaw-ihaw., para pumunta sa san pedro spc, sa bahay ng classmate namin, lagi naman ako pinapayagan ng parents ko.kaya tuwing sabado lagi kaming nandoon, para maglaro, minsan inabot kmi ng gabi, doon sila lahat natulog kasi sinundo ako ng parents ko, di nila ako pinagalitan, sinabi lang sakin na sasusunod kunin ko daw number ni ate para itext. Ang saya ko sa mga kaibigan ko kasi, sila ay mababait, matulungin lalo na pag may problema ka, at sila ay tunay na kaibigan.



Graduation namin nung grade6.
          Graduation na! lahat kami masaya kasi lahat kami nakagraduate. Magkakahiwalay-hiwalay na ulit kaming makakaibigan, kasi magkakaiba ang school na papasukan namin, masaya ang graduation na may pagkalungkot, kasi magkakahiwalay na kaming lahat.

Mga pinsan ko.
        Vacation, sa sata isabel ako nag bakasyon, pihikan man sa mga pakain, pero ni minsan di ako nareklamo, masaya sa bukid namin lagi kaming kamakain ng prutas, ksama ang mg pinsan ko,. Nagswiming kaming magpapansan, napakasaya lahat kami ay kumpleto sabay-sabay kaming kumakain, at nagkakasayahan.

         High school sa CLDDMNHS ako pumasok nahirapan ako sa pakikisama sa mga classmate ko, pero naging kaibigan ko din sila, mahira ang mga lesson namin pero inaayos ko ang pag-aaral ko, pag wala kaming klase parati kaming napunta sa ulti mart, laging naglalaro at nagkakantahan, parati nga kaming pumunta sa ulti mart, pero ni minsan di kami nagcating, at ni minsan di namin pinabayaan ang pag-aaral namin.

          Second year, nahiwalay ulit ako sa mga kaibigan ko, pero parati parin kaming nagsasamasama pagwalang klase, hindi ako nakikisama sa mga classmate ko,kasi sa tingin ko mahirap silang pakisamahan. pero hindi pla naging kaibigan ko sila at nakasama pag may lakad kami.

        Third year, una kong nkilala sa mga classmate ko ay si kris, naging matalik ko syang kaibigan, parati kming mag kasama, sa kanya ko lang din sinasabi ang mga problema ko. dahil siya lang ang pinagkakatiwalaan ko.


Ako at ang aking kaibigan.
       Fourth year kami madami akong mababait na bagong kaibigan, masaya ako sa kanila. Pag my mga activity  at assignment ay kami ay naggagayahan, pag wala kaming klase kami ay parating nakatambay sa tapat ng faculty, parati kaming nauutusan doon, pag minsan parati kaming nasa lake para mag pahangin. Pag may klase kami lagi kaming magkakatabi kase pag may activity kami ay naggagayahan kami pag hindi namin alam.Pero nag aaral parin kaming mabuti..

Syempre hindi ko makakalimutan ang aking mga karanasan sa Dizon High, lalo na ang mga taong nagpahalaga sa akin at nag mahal ng lubos, syempre hindi ko din makakalimutan ang aming mga guro at lalo na ang maganda at napakabait naming adviser nasi Mrs.Jenilee Putungan. Kahit makagraduate kami ay di ko sila kalilimutan dahil isa sila sa mga taong nagbigay kahulugan sa buhay ko.

    Sana makagraduate kaming lahat!.
    Marami pong salamat!.

No comments:

Post a Comment